Facebook

13 huli sa pekeng travel authority

LABINGTATLO (13) katao ang inaresto dahil sa paggamit ng pekeng Regional Joint Task Force Covid Shield Travel Authority sa check point sa Zambales.
Ayon kay Colonel Romank Cardino, Zambales Provincial Director, ang 13 sibilyan mula sa Angeles City, Pampanga at patungo sa Botolan, Zambales ay inaresto nang magpakita ng mga pekeng travel authority sa check point sa national highway sa Barangay Magsaysay, Castillejos, Zambales.
Kinilala ang mga naaresto na sina Patrick Sison, Jhian Enriquez, Sean Lacanilao, Kenneth Carbungao, Jayson Pineda, Warren Bautista, Mark Mallari, Christian Baladad, Ian Dayrit, Paula Paguinto, Raniel Ramoneda, Elvin Ocampo, at Joshua Mendoza na pawang taga- Bgy. Lourdes, North West, Angeles City.
Sakay ang 13 ng isang puting Toyota Hi-ace van ( CAO 9564) nang sitahin ng mga otoridad sa checkpoint. (Mark Obleada)

The post 13 huli sa pekeng travel authority appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
13 huli sa pekeng travel authority 13 huli sa pekeng travel authority Reviewed by misfitgympal on Marso 01, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.