PINASASALAMATAN ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso si Pangulong Rodrigo Duterte sa pamamagitan ng liderato rin ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr., dahil sa Maynila ginawa ang kauna-unahang pagbabakuna laban sa Covid-19.
Sa ginanap na press briefing sa PGH sa symbolic rool out ng vaccination program, ikinatuwa ng alkalde na sa Philippine General Hospital (PGH) na sentro ng “good quality public health care” ng bansa ginawa ang vaccination roll out.
Aniya, ang liderato ng PGH ay nagbibigay inspirasyon para sa pamahalaang lungsod kungsaan namuno sa pagbabakuna si PGH Director Gap Legaspi.
Dahil dito, naniniwala ang alkalde na makakatulong ito sa mga Manilenyo na magdesisyon sa susunod na araw.
Makakatulong din ito upang maibsan ang pag-aalala at pang-unawa ng publiko hinggil sa bakuna na Sinovac.
Ayon pa kay Domagoso, naniniwala ito sa sistema dahil ginawa aniya ng FDA ang kanilang trabaho.
Pinaalala naman ni Domagoso sa health workers ng PGH na kulang ang suplay sa buong mundo, kaya huwag nang sayangin ang oportunidad na mabakunahan upang madagdagan ang panlaban sa katawan sakaling magkaroon ng infection.
Pinasalamatan din ng alkalde ang gobyerno ng China sa donasyong bakuna sa Pilipinas.
Kaugnay nito, sinabi ni Domagoso na magbibigay rin ang Department of Health (DOH) ng share na bakuna sa mga local hospital sa Maynila.
Umaasa ang alkalde na marami pang doktor at nurses ang papayag na magpabakuna ng Sinovac. (Jocelyn Domenden)
The post Yorme todo pasalamat kay Digong sa Covid-19 vaccine appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: