MULING isasailalim sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang NCR Plus na kinabibilangan ng Metro Manila, Cavite, Laguna at Rizal simula bukas, Marso 29 hanggang Abril 4.
Base sa resolusyon ng Inter Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF), muling ipapatupad ang ECQ guidelines base sa Omninubus Guidelines.
Papayagan pa rin ang mga pampublikong sasakyan, depende sa guidelines na ibaba ng Department of Transportation (DoT).
Tuloy pa rin ang mga construction projects, alinsunod sa guidelines ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Magpapatupad din ng granular lockdowns sa ibang lugar sa Calabarzon tulad ng Batangas at Quezon at sa Region 3 partikular na sa Zambales.
Ngayong araw ay nagtala ang Department of Health (DOH) ng 9,595 new covid cases.
Nauna nang sinabi ng OCTA Research Group na kailangan magpatupad ng soft MECQ upang mapabagal ang pagkalat ng covid infection. (Jonah Mallari/Vanz Fernandez)
The post ECQ SA NCR PLUS AREAS MULA MARSO 29 – ABRIL 4 appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: