Facebook

Ipatupad ang istriktong quarantine – Sen.Go

UMAPELA si Senador Christopher ‘Bong’ Go sa lahat ng law enforcement agency na ipatupad ang istriktong quarantine.

Ginawa ni Go ang pahayag bunsod ng pag-apruba ni Pangulong Rodrigo Duterte sa rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) na isailalim muli sa enhanced community quarantine (ECQ) ang Metro Manila, gayundin ang mga kalapit nitong lalawigan ng Bulacan, Rizal, Cavite at Laguna simula ngayong araw, Marso 29, hanggang Abril 4.

Ayon kay Go, marapat lamang na magpatupad pa ng mas istriktong quarantine restrictions sa mga lugar na may mataas na kaso ng COVID-19, partikular na sa greater Metro Manila Area upang mas mabilis na matugunan ang mabilis na pagkalat ng sakit.

“Today, I welcome the approval of President Duterte of the recommendation of the IATF to place NCR, Bulacan, Rizal, Cavite and Laguna under ECQ effective March 29 until April 4,” sabi ni Go, sa isang pahayag.

“Umaapela ako sa taumbayan, konting tiis lang po. Para ito sa kapakanan nating lahat. Ang ating sakripisyo, pagsunod sa patakaran, at pagtiwala sa otoridad ay makapagliligtas ng buhay ng kapwa nating Pilipino,” apela pa ni Go.

Aniya pa, mas makabubuti kung patuloy na magbabayanihan at magmamalasakit ang lahat para sa ating kapwa, lalo na sa mga frontliners natin na binubuwis ang buhay para gampanan ang kanilang tungkulin. “Ang ating kooperasyon ay paraan upang mapagaan ang pinapasang hirap ng buong sambayanan,” aniya pa.

Nanawagan din ang senador sa publiko na gamitin ang panahong ito upang magpahinga at palakasin ang ating pananampalataya sa Diyos lalo na ngayong Semana Santa.

“Marahil, sinusubok lang ng Panginoon ang ating katatagan bilang Kanyang mga anak. Sariwain din natin ang naging sakriprisyo ng Panginoong Hesus sa pamamagitan ng ating pagmamahal sa ating kapwa. Ang sabi nga ng awit sa simbahan, “Walang sinuman ang nabubuhay, para sa sarili lamang… Tayong lahat ay may pananagutan sa isa’t isa,” dagdag ni Go. “For us to heal as one and recover as one, we must ACT AS ONE!” (Mylene Alfonso)

The post Ipatupad ang istriktong quarantine – Sen.Go appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Ipatupad ang istriktong quarantine – Sen.Go Ipatupad ang istriktong quarantine – Sen.Go Reviewed by misfitgympal on Marso 27, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.