DAHIL kabilang ang Maynila sa lugar na ibinabalik sa enhanced community quarantine (ECQ) simula Lunes, March 29, inatasan ni Mayor Isko Moreno si barangay bureau director Romeo Bagay na muling ipatupad ang pagbibigay ng quarantine passes upang matiyak na yung mga kailangan lang na lumabas sa kahabaan ng itatagal ng ECQ ang mapagkakalooban nito.
Inatasan ni Moreno si Bagay upang ikalat ang impormasyon sa lahat ng pinuno ng barangay kung paano ipatutupad ang quarantine passes.
Mahigpit ang bilin ni Moreno kay Bagay na tiyakin na ang mga residente ay mahusay na magagabayan ng mga bagay na bawal at hindi bawal alisunod sa direktibang ipinatutupad ng Inter-Agency Task Force, mula sa curfew hours na magsisimula ng 6 p.m. hanggang 5 a.m.gaya ng inanunsyo ng announced Malacanang na magsisimula sa Lunes,March 29 (12:01 a.m.) at magtatapos ng April 4 (11:59 p.m.).
Binigyang diin ni Moreno na mahigpit na ipinagbabawal ang pag-inom ng alak sa kalye gayundin ang paglalaro, paggala at paglilibang lalo na ang paguumpukan.
Sa kanyang bahagi ay sinabi ni Bagay na sinasaad sa kanyang memo na tulad ng dati, ang odd-even scheme ang paiiralin sa paggamit ng quarantine passes kung saan isa lang sa kada pamilya ang bibigyan.
Ang mga may hawak ng passes na nagtatapos sa odd numbers (1, 3, 5, 7, 9) ay maaaring lumabas ng Mondays, Wednesdays at Fridays, mula 5 a.m. hanggang 6 p.m. at Sundays, mula 5 a.m. hanggang 11 a.m.
Sa kabilang banda ang mga hawak ng passes na nagtatapos sa even numbers (2, 4, 6, 8, 0), ay maaaring lumabas ng Tuesdays, Thursdays at Saturdays, mula 5 a.m. hanggang 6 p.m. at Sundays, mula 12 noon hanggang 6 p.m.
Isa lang sa bawat isang pamilya ang iisyuhan ng quarantine pass, at siya ay nasa tamang edad at hindi nabibilang sa high-risk groups, maliban na lamang kung siya ay mag-isa lamang o awtorisado ng IATF.
Sinabi ni Bagay na ang paglabas ay limitado lamang sa pagbili ng mga kinakailangang gamit tulad ng pagkain at gamot ay yung may mga lehitimong transaksyon na pinapayagan ng IATF.
Ang lungsod ayon kay Moreno ay muling nakapagrehistro ng bagong 837 confirmed active COVID-19 cases noong Sabado kung saan karamihan sa kaso ay infected ng bagong variants.
Samantala ay sinabi ng alkalde na ang lungsod ay nakapagdagdag na ng bagong 300 COVID beds sa mga quarantine for facilities para sa mga dinapuan ng coronavirus.
Nangko ang alkalde na ang pamahalaang lungsod ay laging mauuna sa paglalapat ng solusyon sa mga problemang dala ng pandemya, ngunit pinaalalahanan nito ang publiko na ang lahat ng kanilang pagsisikap ni Vice Mayor Honey Lacuna ay balewala kung patuloy na hindi susunod ang mga tao sa ipinatutupad na basic health protocols upang maiwasan ang virus. (ANDI GARCIA)
The post MAYNILA, GAGAMIT ULI NG QUARANTINE PASS — ISKO appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: