MAY pananagutan pa rin ang mga lokal na opisyal na sumingit sa vaccination priority list, kahit walang malinaw na probisyon sa COVID-19 Vaccination Program Act of 2021 ukol dito. Ayon kay Justice Sec. Menardo Guevarra, hindi nakatala ang klase ng paglabag at penalty dito kung lumalaktaw sa listahan ng mga babakunahan. Ito ay sa gitna ng pagbakuna sa ilang politiko at celebrity na hindi naman health care worker. Aniya, mayroon lamang karampatang parusa ang pamemeke ng mga vaccine card na nasa ilalim ng Revised Penal Code. Gayunpaman, sinabi ni Guevarra na posibleng may pananagutan sa parte ng mga opisyal ng gobyerno dahil sa code of ethical conduct, partikular na ang misconduct, abuse of authority at conduct prejudicial to the interest of the service.
***
Samantala padadalhan ng pamunuan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) unit ang iba pang mga local chief executives na nagpaka-VIP (very important person) at sumingit sa vaccination program ng pamahalaan kahit na hindi kabilang ang mga ito sa priority list ng pamahalaan.
Sinabi ni DILG Undersecretary Epimaco Densing III na kabilang sa mga papadalhan nila ng show-cause order ay ang karagdagang pitong alkalde, at isang konsehal.
Ito’y matapos na lumabas sa kanilang pagsisiyasat na nakatanggap nga ng bakuna ang mga opisyal.
Paliwanag ni Densing, kinakailangang maipaliwanag o ma-justify ng mga opisyal ang dahilan ng kanilang pagpapabakuna.
***
Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay mag-email lang sa balyador69@gmail.com.
Samantala, laging subaybayan ang palatuntunang “walang personalan trabaho lang” mula lunes hanggang linggo 11:00am-12:00nn sa RADYO NG MASA entertainment net radio. Tuwing sabado at linggo 12:00nn-12:30pm sa DWBL 1242 kHz am band at 10:00am-11:00am sa DWXR 101.7FM – Mapapanood livestreaming via Facebook at Youtube!
The post Mga mayor na sumingit sa vaccination, lumabag sa code of ethical conduct appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: