MGA ka-ARYA, sa pagkakataong ito ay atin namang ilathala ang nagpupuyos na damdamin ng sambayanan patungkol sa marahas at mala-hayop na sistemang inilulunsad ng mga rebelde sa ating lipunan.., narito po ang nag-aalab-pagkondena ng “MGA NAGKAKAISANG RIZALEÑO”.
Mag-uumapaw ang pagdadalamhati at simpatiya ng ordinaryong mamamayan sa karumaldumal at patraydor na pag-atake ng New Peoples Army sa mga tropa tagapamayapa ng pamahalaan sa bayan ng Labo, Camarines Norte na nagresulta sa pagkamatay ng 5 pulis.
Ipinapakita ng pagkalat ng mga streamers, plackards at mga sulat sa pader ang hangarin ng mamamayang nagmamahal ng kapayapaan na maisiwalat sa pamamaraang abot kaya ng masang Pilipino na bagama’t saklot ng takot ang kanilang isipan ay hinde na mapipigilang kumawala sa nagsisilakbong puso ang damdamin ng galit at pagkamuhi sa karahasang patuloy na isinusulong ng CPP NPA NDF makamit lamang ang hangaring pabagsakin ang demokratikong institusyon na tunay na nagmamahal sa kapakanan ng bawat isang pilipino.
Kapansinpansin din ang hindi mapigilang pagkalat at pagsulong ng malawakang pagkondena ng mamamayan sa karahasang pamantayang pamamaraan ng CPP NPA NDF upang makamit ang madugong pagpapabagsak ng gobyerno at ito ay nasaksihan ng lahat sa gapang ng kondemnasyon mula sa Lucena City hanggang Daet, Camarines Norte.
Parang ligaw na sunog na pinapaypayan ng mainit na bugso ng damdamin ng mamamayan ang lumalawak na pagpaparamdam ng pagtutol sa karahasang iwinawasiwas ng CPP NPA NDF at ngayon nga ay nasasaksihan itong gumagapang paakyat sa iba’t ibang lugar sa Timog Katagalugan, sa kalakhang rehiyon ng Bikol at patuloy na tumatalon at tumatawid sa mga lalawigan sa Luzon, Visayas at Mindanao.
Masisisi ba natin ang mga mamamayang walang mukha at matagal ng nanahimik at nagtiis na sa pagkakataong ito ay hindi mapigilan ang nag-aalab na damdamin at ipahayag sa payak na paraan ang kanilang saloobin? Masisisi ba natin ang mga kapatid nating magsasaka, manggagawa, maralitang taga-lungsod at iba’t ibang sektor na naising tigilan na ng CPP NPA NDF ang pagwasak ng kanilang buhay at kabuhayan?
Marahil ay panahon na din para mamulat ang CPP NPA NDF sa katotohanan na kaylanman ay hinde tatanggapin ng mamamayan ang marahas na paraan ng pagbabago na kanilang isinusulong. Kaylanman hindi katanggap-tanggap ang pagbubuwis o pagdanak ng inosenteng dugo na manaig upang supilin ang malayang kaisipan ng taumbayan na tanging hangad lamang ay simpleng kapayapaan at kaunlaran.
Mga Nagkakaisang Rizaleño
Malaki ang punto ng “MGA NAGKAKAISANG RIZALEÑO” sa kanilang mga nasasaksihang terorismong inihahasik ng mga nagpapakilalang COMMUNIST PARTY OF THE PHILPPINES-NEW PEOPLES ARMY-NATIONAL DEMOCRATIC FRONT (CPP-NPA-NDF) dahil mayorya sa mga naaapektuhan ay ang mga pangkaraniwang mamamayan na nahahantong pa sa pagkamatay ng mga ordinaryong sambayanan na naiipit sa ratratang giyerahan sa pagitan ng mga rebelde at puwersang gobyerno.
Sayang ang buhay na magtitimbuwangan dahil lamang sa mga karahasang epekto sa mga konseptong ipinaglalaban para sa bayan kuno.., pero, ang panahon natin ngayon ay hinde na maihahambing pa sa panahon nina GAT.JOSE RIZAL, ANDRES BONIFACIO at iba pang mga itinuturing nating BAYANI dahil natapos na ang naging dakilang adhikain noon na MAKALAYA ang INANG BAYAN MULA SA MAPANAKOP AT MAPANIIL NA MGA DAYUHANG MANANAKOP..
Ang panahon natin ngayon ay panahong dapat magtulungan ang lahat upang ibangon ang ekonomiya at kabuhayan ng lahat.., ika nga panahon natin ngayon ang pakikipaglaban sa mapayapang pamamaraan upang maibangon, mapalago at mapalawig ang pangkabuhayan nating lahat… iwan at bitawan na ang armadong pakikibaka.., kundi makibaka tayo sa pamamaraang intelektuwal na naaayon sa ating batas!
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.
The post Silakbong pagkondena laban sa CPP-NPA-NDF! appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: