MAY kolektor na nga ba ng intelhencia ang tanggapan nina NCRPO PNP Director, P/Major General Vicente Danao Jr. at PNP Region 4-A Director, P/Brig. General Felipe Natividad na umiikot sa buong Ka- Maynilaan at CALABARZON?
Ang pinaka-notoryus na prototection money collector sa Maynila at CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela ay isang aktibong police captain samantalang sa CALABARZON ay putok na pangalan ng isang alias Brgy. Kap Mike, alias Sgts. Marcial, Garcia, Chan, Adlawan at isang nasibak na pulis na alias Kaloy Kolanding.
Parang ligal na ang operasyon ng mga pasugalan at kalakalan ng droga sa nasabing rehiyon dahil sa bendisyon ng mga nasabing tong kolektor sa mga ilegalista na mag-operate. Resulta nito ay lalong napabilis ang pagkakahawahan ng COVID 19 ng napakaraming mamamayan sa Mertro Manila at CALABARZON.
Sa mga rebisahan ng jueteng tulad ng kay alias Mario Bokbok sa Brgy. Catmon, sa Malabon City at sa Brgy. Camarin, Caloocan City ay nagkukumpulan ang mga empleyado, kabo at kubrador karamihan pa ay walang face mask at face shield, kaya record-breaking na talaga ang pigura ng pagtaas ng COVID positive sa Malabon City at CAMANAVA area. Ipararating natin ang bagay na ito kay Malabon City Mayor Lenlen Oreta III.
Ito rin ang siwasyon at larawan sa mga jueteng den nina R. Gadingan Jane Koh, Tita, Tepang, Kap Onse, Kap Robles, Atan, Mako, Penong, Lucy, Boy Edmund, Kap Bryan, at Dela Peña na nag-ooperate ng EZ 2 cum jueteng sa Maynila, Quezon, Pasay, Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela Muntinlupa, Parañaque, Pateros, Las Piñas, Makati, Pasig, Mandaluyong, San Juan, Marikina at bayan ng Pateros at isang alias John Yap ng Taguig City.
Malakas din ang pagkakahawahan ng virus sa mga gambling den na sakop sa hurisdiksyon ni Manila Mayor Isko Moreno. Sa area naman ni Mayora Joy Belmonte ay patuloy ding lumulobo ang bilang ng COVID 19 positive sanhi ng mga human carrier sa mga rebisahan ng EZ 2 cum jueteng nina Baby Tisay, alias Bobby Kalayaan, alias Pining, alias Cynthia Beer at alias Per Mariano.
COVID carrier na nga ang mga kabo at kubrador ng jueteng ay nagbebenta ng shabu ang mga ito habang nangongolekta ng taya ng kunyari ay EZ2 at Peryahan ng Bayan (PNB) cum jueteng sa buong Quezon City, pinakatalamak nito ay ang operasyon sa Novaliches, Batasan Hills, Commonwealth, Manggahan, Balintawak, Tandang Sora, Congressional Ave., at Galas.
Kahit ano pang pagpupunyagi sa pagpapatupad ng health protocols ng Inter-Agency Task Force for the Management of Infectious Disease (IATF) ay balewala din pagkat ang mga human carrier nga ng corona virus ay patuloy namang naglisaw sa mga nasabing gambling den.
Samantala sa CALABARZON liban kay alias Kap Mike at Kaloy Kolanding, ay nangongolekta din ng tong sa mga iligalista sina alias Sgt. Adlawan,Garcia at Chan. May ilan pang walanghiyang pulis ang nangongolekta ng tong sa mga gambling at drug traders.
Baka nga hindi alam ni General Natividad ang nagaganap sa kanyang hurisdiksyon, ngunit ikinalulungkot nating ipaalam sa kanya na bukod sa ginagamit din nina Kap Mike, Kaloy Kolanding, Sgts. Adlawan, Garcia at Chan, ang kanyang pangalan ay ay kinakalakal din ng mga naturang tong kolektor ang tanggapan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), PNP Region 4-A Police Office at National Bureau of Investigation (NBI) sa pagkaka-perahan.
Kaya dahil nga sa naghahatag ng protection money ay protektado din ng mga naturang intelhencia kolektor ang mini-casino na tupadahan sa Brgy. Pinagbayanan sa bayan ng Taysan na pinatatakbo ng alias Bedung na nagpapakilala namang katiwala ni gambling icon Atong Ang.
May pasakla, color games at cara y cruz din sa nasabing tupada joint na binabantayan pa ng unipormadong pulis ng Taysan sa oras ng pagsusugal. Sino nga ba naman ang di maniniwalang hindi kay Boss Atong Ang ang nasabing tupadahan gayong nakaka-limampung sultada sa nasabing illegal cockpit.
Paano din kaya nasiksikmura ng hepe ng Taysan Municipal Police Station, Taysan Mayor Grande Gutierez at Batangas PNP director, P/Col. Rex Arvin Malimban ang katarantaduhang ito ng ilang opisyales at miyembro ng kanilang kapulisan?
Hindi rin nasusupil ang gambling at bentahan ng droga sa Tanauan City nina alias Mayor Benir, Konsehal Angel, Ablao at Melchor ng Brgy. Darasa, Madam Bagsik ng Brgy. Janopol, Ms. Anabel ng Pantay na Matanda, Kap. Mario ng Brgy. Pantay na Bata, Jr. Biscocho ng Brgy. 7 at Putuhan, Lito ng Brgy. 7 at Putuhan at Konsehal Perez ng Poblacion, Ocampo ng Brgy. Bagbag, Emil, Ramil, Aldrin , Terio, Angke at Lilian ng Brgy. Sambat, Lawin at Dona ng Brgy. Pantay na Bata at Pantay na Matanda, Rowel, Berania ng Brgy. Trapiche, Engke, Cancio, Dama at Dexter ng Brgy.Ulango.
Sa bayan ng Padre Garcia kontrolado nina alias Kap Tisoy at Kap Idol ang salyahan ng shabu at jueteng, samantala sa bayan ng Malvar ay sina alias Banog at Rico ang nagpapatakbo ng bentahan ng shabu at operasyon ng STL bookies/jueteng sa may 15 barangay ng nasabing munisipalidad.
Sa bayan ng San Juan, ang drug pusher na nagpapatakbo din ng STL cum jueteng ay si alias Kap Nelson, sa munisipalidad ng Nasugbu ay si Willy Bokbok, sa mga bayan ng Mataas na Kahoy, Balite at San Jose ay sina alias Lando Minas at ang amo nitong vice mayor, Ibaan town ay si Roceo at sa Batangas City ay ang magkasosyong si alias Kap Bening at alias Mayor Benir.
Sa mga lalawigan ng Cavite at Rizal si alias Kaloy Kolanding na isa sa nagpapatakbo ng jueteng at bentahan ng shabu ang umaakto na palang intelhencia kolektor, katandem nito ang isang Sgt. Chan. Lingguhan ding tinatarahan nina Kolanding at Sgt. Chan ang mga jueteng at drug operator na sina alias John Yap, Zalding Kombat,Chito, Menong, Abion at Elwin na nagpapakilala namang civilian employee ng NBI.
Akala natin ay tunay ang ipinangangalandakan ni Gen. Natividad na “No take Policy” ang kanyang tanggapan at lahat na kapulisan sa buong CALABARZON area simula noong maupo ito bilang PNP RD-4A noong Nobyembre 2020?
Ngunit in fairness kay general, baka di pa nito alam na noon pang Pebrero 2021, ay nagsimula nang humataw sa pangongolekta ng tong sina alias Kap Mike, alias Sgts. Adlawan, Garcia at Kolanding at ikinokolekta ng mga ito ng lump sum na kotong ang opisina ng RD4A simula noong November 16, 2020 sa mga gambling at drug operator sa CALABARZON.
Tingnan lang natin kung kahit deklarado na ngayong nasa ilalim na ng Enhanced Community Quarantine ( ECO ) ang Metro-Manila, mga lalawigan ng Cavite, Rizal at Laguna ay hahataw pa din ang jueteng at bentahan ng shabu ng mga satanas na ilegalista sa nasabing mga lugar.
Talagang mariing sampal ito kina Danaor Jr., at Natividad kapag di pa nila nasugpu ang aktibidad ng mga intelhencia kolektor. Kailangang lipulin na sila sa madaling panahon para di na pamarisan.
***
Para sa komento: Cp # 09293453199 at 09664066144, email: sianing52@gmail.com.
The post Lump sum kotong sa gitna ng covid appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: