PINURI ni Senator Christopher “Bong” Go ang paglagda ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Executive Order No. 127 para sa malayang access sa satellite services na magbibigay sa mga Filipino ng mas maayos at malakas na internet connectivity.
Ayon kay Sen. Go, ang paglagda ng Pangulo sa Executive Order ay magbibigay pa ng oportunidad sa telecommunication companies na makapagbigay ng mas mabilis na internet services at access sa buong kapuluan.
“Kailangan natin ng reliable at mabilis na internet kung gusto nating mabigyan ng mas magandang serbisyo at oportunidad ang ating mga estudyante, negosyante, manggagawa at iba pang sektor ng lipunan na mas mabilis makabangon mula sa epekto ng COVID-19,” ani Go.
Matatandaan na kapwa iginiit ng Pangulo at Senator Go sa Telecom companies na ayusin ang kanilang serbisyo para matulungan ang mga Filipino na makabangon tungo sa new normal.
Espisipikong pinapayagan ng EO ang telecom companies, internet service providers (ISPs) at value-added service (VAS) providers na magkaroon ng direktang access, kapwa sa domestic at international satellite systems, bukod sa tradisyonal na cable-based networks.
“Para matulungan ang mga Pilipino na mag-adapt sa panahon ng new normal, we need to re-imagine the role of the internet and communications technology. Ang buong mundo ay nag-evolve dahil sa COVID-19. Gawin natin ang lahat ng ating makakaya para walang Pilipinong maiiwan sa new normal at tungo sa full recovery,” sabi ni Go.
Binibigyan ng EO 127 ang broadcast service providers ng direktang access sa satellite systems ngunit batay sa rules, regulations at authorizations ng National Telecommunications Commission.
“Pinadali na rin ng gobyerno ang mga proseso at requirements upang matulungan ang mga service providers na mas maisaayos ang serbisyo nila,” sabi ni Go.
“The government needs to adopt more efficient, responsive and modern ways of transacting with our citizens. Dahil sa COVID-19, kinailangan na mag-evolve ng mga transaksyon na normally ay face-to-face. This will effectively make the government more in tune with the changing times,” paliwanag pa ni Go. (PFT Team)
The post EO ni PRRD para sa mas maayos at malakas na internet, pinuri ni Bong Go appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: