Facebook

PNP chief Debold Sinas ‘di alam na bitbit niya ang Covid-19 sa Mindoro?

KINUMPIRMA ng Philippine National Police (PNP) na nagpositibo sa Covid-19 virus si PNP Chief Gen. Debold Sinas.

Sa isang sulat na inilabas mula kay NP Chief, kaniyang kinumpirma na nagpositibo siya sa virus batay sa RT-PCR swab test na inilabas ng PNP Health Service kaninang umaga, March 11,2021.

Sa unang tatlong swab test ni Sinas nuong March 3, March 6 at March 9 ay negatibo ang resulta.

Pero swab test niya nitong March 11 ay nagpositibo na siya sa virus.

Pero sinabi ni Sinas siya ay asymptomatic, posibleng na infect siya ng virus sa loob ng 24-48 hours.

Sumailalim na quarantine si Sinas sa Kiangan Treatment Facilities sa loob ng Camp Crame.

Inanunsiyo din ni Sinas na si The deputy chief for Administration Lt Gen. Guillermo Eleazar ang magiging OIC Chief PNP habang siya ay naka quarantine.

Sa kabilang dako, ayon naman kay PNP Spoksperson BGen. Ildibrandi Usana na maayos ang kalagayan ni PNP chief ngayon.

Samantala binalot ngayon ng takot ang buong kapulisan sa Police Regional Office MIMAROPA, LGUs maging ang media sa Oriental Mindoro matapos mabalita na positibo sa COVID-19 ang hepe ng pambansang pulisya ng bumisita ito sa MIMAROPA PNP Regional Headquarters

Sinalubong ng buong kapulisan ng Regional Command sa pangunguna ni PRO4-B Regional Director PBGen Pascual G. Munoz, Jr. sa pamamagitan ng pagbibigay ng Arrival Honors kina PNP Chief Debold M. Sinas, kasama sina PMaj.Gen Rhodelo O. Sermonia, PNP Director for Community Relations at PMaj.Gen Alfred S. Corpuz, PNP Director for Operations na ginanap sa Regional Heaquarters sa Camp Efegenio Navarro Camp, Suqui Calapan City.

Pagkatapos ng seremonya pinasinayaan din ang ilang mga gusali sa Regional Command na sinaksihan ng PNP Chief kasama ang Provincial Administrator ng Oriental Mindoro na si Dr Hubbert Christopher A. Dolor sa isinagawang ceremonial COVID 19 vaccination para sa medical workers ng kapulisan.

Inaasahan na ang pitumpong porsiyento (70%) ng bumubuo ng pang rehiyong pwersa ng kapulisan ang mababakunahan kapag dumating na ang sapat na bakuna na para sa lalawigan ng Oriental Mindoro.

***

Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay mag-email lang sa balyador69@gmail.com.

Samantala, laging subaybayan ang palatuntunang “walang personalan trabaho lang” mula lunes hanggang linggo 11:00am-12:00nn sa RADYO NG MASA entertainment net radio. Tuwing sabado at linggo 12:00nn-12:30pm sa DWBL 1242 kHz am band at 10:00am-11:00am sa DWXR 101.7FM – Mapapanood livestreaming via Facebook at Youtube!

The post PNP chief Debold Sinas ‘di alam na bitbit niya ang Covid-19 sa Mindoro? appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
PNP chief Debold Sinas ‘di alam na bitbit niya ang Covid-19 sa Mindoro? PNP chief Debold Sinas ‘di alam na bitbit niya ang Covid-19 sa Mindoro? Reviewed by misfitgympal on Marso 13, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.