Facebook

ER doktor itinumba ng Covid19

MULING nadagdagan ang bilang ng mga duktor na nasawi sa Covid-19 nang igupo ng virus ang isang doktura ng President Ramon Magsaysay Hospital sa Zambales.
Sa tala ng Provincial Health, kabilang si Dra. Jean Rebultan na nakatalaga sa Emergency Health Physician at incharge sa Covid-19 patients sa nabangit na lalawigan.
Base sa datos, nasa 30 pasyente ang bagong nadagdag sa tinamaan ng virus sa lalawigan. Nasa 1,130 na ang kaso ng Covid-19 dito.
Nabatid na inatake ng Asthma si Dra. Rebultan at hindi parin sya nabigyan ng clearance para sa vaccine. Nadala siya sa hospital nito lamang Biyernes ng gabi, at isinailalim sa RT-PCR test at lumabas na positibo ito sa nakamamatay na virus.
Samantala, kabilang rin si Governor Hermogenes Ebdane at dalawa nitong anak na lalaki ang tinamaan din ng Covid-19 na sina Iba Mayor Runsdette at Provincial administrator Omar Ebdane na kasalukuyang nasa isolation room.
May ilang kawani ng President Ramon Magsaysay State University at Department Heads ng provincial goverments ang naka-isolate narin dahil sa Covid -19.
Bagamat hindi kabilang sa ECQ ang Zambales, mahigpit ang siguridad sa mga munisipalidad sa pamamagitan ng checkpoints na layong mapigilan ang pagkalat ng mabagsik na virus.(Thony D. Arcenal)

The post ER doktor itinumba ng Covid19 appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
ER doktor itinumba ng Covid19 ER doktor itinumba ng Covid19 Reviewed by misfitgympal on Marso 28, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.