INIUTOS na ng National Police Commission (NAPOLCOM) ang pag-dismiss kay Police Staff Sergeant Ricardo Cabrera Morante, ang suspek sa pagpatay sa negosyante na si Delfin Britanico, anak ni dating Congressman Salvador “Buddy” Britanico.
Ngunit ang nasabing ‘dismissal order’ ay para sa kaso nitong ‘grave misconduct’ na noong 2016 pa ito inilabas ng NAPOLCOM Central office ngunit hindi ito nakarating sa NAPOLCOM Region 6 at Police Regional office 6.
Mismo si dating Congressman Britanico ang nakadiskubre sa nasabing dismissal order nang binerepika sa nasabing komisyon.
Ayon naman kay Police Lieutenant Colonel Joem Malong, tagapagsalita ng Police Regional Office- 6, hinihintay nalang ng kanilang opisina ang letter sa finality ng dismissal mula sa national police headquarters.
Sa ngayon, nananatili si Morante sa Regional Personnel Holding and Accounting Unit (RPHAU) ng Police Regional Office 6 kasama ang tatlo pang pulis na sangkot sa pagpatay sa negosyante na kinabibilangan nina Staff Sergeant Michael Demegillo de Felipe; Staff Sergeant Freddie Hibalo Libo-on; at Master Sergeant Vernie Lui Escorial.
Oras naisilbi ang dismissal order kay Morante, paalisin ito sa Regional Personnel Holding and Accounting Unit sa PRO-6 at tatanggalin din ang lahat ng kanyang sahod at benepisyo.
The post Pulis na ‘killer’ ng anak ni dating Cong. Britanico nasa serbisyo pa appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: