NASAWI ang isang retiradong pulis na dating miyembro ng Presidential Security Group (PSG) nang pagbabarilin habang sakay ng motorsiklo sa Barangay Barancuag, Tuao, Cagayan nitong Sabado.
Kinilala ang biktima na si Nestor Daracan, 62 anyos.
Sa report na nakarating kay Major Ferdinand Datul, hepe ng Tauo Police Station, 12:00 ng tanghali habang binabagtas ni Daracan ang highway nang sabayan ito ng dalawang naka-jacket at nakasuot ng face mask at pinagbabaril.
Isinugod ng mga sumaklolo si Daracan sa Tuao District Hospital pero idineklara itong patay na.
Dating miyembro ng binuwag na Philippine Constabulary si Daracan nang magsilbi ito sa PSG hanggang sa nagretirong sarhento ng pulisya nitong dekada 2000.
Kilala si Daracan sa Tuao bilang mang-aawit sa burol ng mga patay, at noong 2019 ay naging viral sa social media ang pagluwas ni Daracan sa Maynila dala ang kanyang gitara upang handugan ng awit pamamaalam ang lamay ng abo ng pumanaw na aktor na si Eddie Garcia na kanyang idolo.
Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang pulisya sa krimen.
The post Ex-PSG binira ng riding in tandem appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: