PATAY ang isang barangay kapitana ng Capiz nang pagbabarilin sa bayan ng Calinog, Iloilo, Linggo ng umaga.
Kinilala ang biktima na si Julie Catamin, 49 anyos, kapitana ng Barangay Roosevelt sa Tapaz, Capiz.
Ayon sa ulat, sakay ang kapitana ng kanyang motorsiklo pauwi na ng Tapaz nang pagbabarilin ng mga lalaking nakasakay din sa motorsiklo sa may Barangay Malitbog Centro, Calinog.
Nakatakas naman ang mga salarin.
Dinala sa ospital si Catamin pero idineklarang dead on arrival.
Bago ito, nabatid na nakatanggap ng death threats ang biktima mula sa hindi kilalang grupo. Pinatawag pa umano si Catamin sa 61st Infantry Battalion sa Brgy. Libot, Calinog at binalaan ng militar na posibleng maulit ang madugong insidente sa kanyang lugar kung hindi siya titigil at mga ka-barangay nito sa pagsuporta sa mga rebelde.
Noong Disyembre 30, 2020 ay matatandaan na sa Bgy. Roosevelt nangyari ang madugong raid nang isilbi ang isang search warrant ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na ikinasawi ng 9 katao na pinaniniwalaang kasapi ng mga rebeldeng grupo.
Patuloy pang nagsasagawa ng inbestigasyon ang pulisya.
The post BGY. KAPITANA NA ‘SUPPORTER NG NPA’ TINODAS! appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: