NAKAPAGTALA pa ng mataas na bilang ng COVID-19 case ang Department of Health (DOH) dahil sa 2,037 bagong kaso ngayong araw, Marso 1.
Samantala ay mayroon namang naitalang 86 na gumaling at 4 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 5.5% (31,708) ang aktibong kaso, 92.4% (534,351) na ang gumaling, at 2.13% (12,322) ang namatay.
Ngayong Marso 1, mayroon lamang walong duplicates ang inalis sa total case counts kung saan anim rito ang recoveries.
Ang mga laboratory na bigong makapagsumite ng kanilang datos sa Covid-19 Document Repository System o CDRS ay isa na lamang.
Sa pagdating ng bakuna kontra COVID-19, sinabi ng DOH na ipagpatuloy pa rin ang wastong pagsunod sa health protocol at minimum health standards upang maiwasan ang pagkalat ng anumang uri, mutation o variant ng COVID-19. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)
The post Covid update: 86 gumaling; 4 nasawi; 2,037 bagong kaso appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: