NAGPAHAYAG ng kasiyahan sI Senator Christopher “Bong” Go sa pagpapatibay ng Republic Act No. 11524 o ng Coconut Farmers and Industry Trust Fund Act na magiging malaking kapakinabangan aniya ng coconut farmers sa bansa.
Nagsilbing co-author, sinabi ni Go na tapos na ang mahaba o ilang dekadang paghihintay ng coconut farmers sa pagsasabing ang pagpapatibay ng nasabing batas sa ilalim ng Duterte administration ay patunay ng matinding malasakit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga Filipinong magsasaka.
“Napakatagal pong hinintay ito ng ating mga coconut farmers. Napakaraming administrasyon ang nagdaan at, sa wakas, ngayon ay pirmado na. Patunay po ito sa malasakit ni Tatay Digong sa ating mga magsasaka,” ani Go.
Sinabi ni Go na ang pagpapatibay ng nasabing batas ay katugunan sa naging pangako ni Pangulong Duterte sa kanyang kampanya noong 2016.
“Sa lahat ng commitments namin, pag ako’y nahalal, ibabalik ko sa inyo ang pera mula coco levy sa lalong madaling panahon,” ang sabi ni Duterte sa harap ng local farmers sa Catanauan, Quezon noong March 30, 2016.
“Bilang isa sa mga malalaking producers ng coconut sa mundo, napakahalaga po ng coconut industry sa ating bansa. Napakarami sa ating mga magsasaka ang nakikinabang at nakasalalay ang pamumuhay sa industriyang ito. Kaya naman po nagagalak tayo na sa wakas ay may batas na na magsusulong ng kanilang mga karapatan at kapakanan,” idinagdag ng Pangulo.
Nilagdaan noong February 26, ang Republic Act No. 11524 ay inaatasan ang Bureau of Treasury na i-transmit ang P10 billion sa trust fund sa unang taon, ang P10 billion sa ikalawang taon, ang P15 billion sa ikatlong taon, ang P15 billion sa ikaapat na taon at ang P25 billion sa ikalimang taon.
Ang tintatayang P5 billion mula sa Coco Levy Trust Fund ay gagamitin para sa mga plano at programa ng Coconut Farmers and Industry Development Plan, kinabibilangan ng training ng coconut farmers at kanilang pamilya, planting at replanting ng hybrid coconut seedlings, at iba pa
Ani Go, ang mga nasabing programa ay direktang magbebenepisyo sa coconut farmers at magpo-promote ng modernization ng coconut industry, isa sa pinakamalaki sa buong mundo.
Ang Pilipinas ay pangalawa sa pinakamalaking coconut producer sa mundo, kasunod ng Indonesia.
“Malaki po ang maitutulong nito sa tuluy-tuloy na paglago ng coconut industry ng Pilipinas na isa sa pinakamalaki sa mundo. Maiaangat din po nito ang kalidad ng produksyon at pamumuhay ng ating mga magsasaka,” ayon sa mambabatas. (PFT Team)
The post Go: Pagpapatibay sa Coco Levy Trust Fund Act, malaking benepisyo sa mga magsasaka appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: