Facebook

Mga boksingero na ‘pinabagsak’ ng pandemya ibinangon ni Bong Go

MATAPOS “pabagsakin” ng pandemya na dulot ng COVID-19 virus, nirespondehan at “ibinangon” ni Senator Christopher “Bong” Go ang mga boksingero na nakabase sa Ifugao, sa pakikipagtulungan ng Games and Amusement Board.

“Sa mga boksingero po diyan, alam ko pong apektado kayo ng pandemya, kaunting tiis lang po. Patuloy kaming umiikot para makapagbigay ng tulong sa inyong mga boxers na nawalan po ng trabaho sa panahong ito,” ani Go sa mga boksingero sa isang video call.

Isa sa professional boxers, si Carl Jammes Martin, ay ginunita ang kanyang pamamayagpag sa World Boxing Council, WBC Continental, World Boxing Association Asia, World Boxing Organization Oriental bantamweight division.

“Wala po akong talo,” sabi ni Martin pero inihayag kung paano naging mahirap sa kanya ang “suntok” ng pandemya.

“Sobrang hirap po dahil po sa pandemic na dumating, marami po naghihirap talaga,” ani Martin.

“Marami pong nangangailangan ng tulong sa aming mga boxer katulad po nitong tulong na ito. Malaking tulong po ito para sa amin at maiabot namin sa pamilya namin. Syempre, sa makakain din po namin. Maraming salamat po kay President Duterte at Senator Bong Go po,” idinagdag ng kampeon.

Bilang chairman ng Senate Committee on Sports, sinabi ni Go na patuloy niyang bibigyan ng atensyon ang kapakanan ng mga atleta.

Hihilingin niya sa Senado at concerned agencies na maghanap ng mga posibleng solusyon upang makabalik sa trainings at kompetisyon sa ibayong dagat ang mga manlalaro.

Ang mga boksingero ay binigyan ng meals, food packs, masks, face shields, at vitamins na pangprotekta laban sa COVID-19 sa distribution activity na isinagawa sa Social Welfare and Development (SWAD) conference room sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) – Ifugao Office sa Lagawe.

“Basta kami ni Pangulong Duterte, patuloy kaming tutulong sa inyong mga atleta. Kami ni Pangulong Duterte, patuloy kaming magseserbisyo sa inyo. Dahil para sa amin, ang serbisyo po sa tao ay serbisyo po ‘yan sa Diyos,” ayon sa senador. (PFT Team)

The post Mga boksingero na ‘pinabagsak’ ng pandemya ibinangon ni Bong Go appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Mga boksingero na ‘pinabagsak’ ng pandemya ibinangon ni Bong Go Mga boksingero na ‘pinabagsak’ ng pandemya ibinangon ni Bong Go Reviewed by misfitgympal on Marso 22, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.