SI Jaja Santiago ang naging unang Filipina volleyball player na nagwagi ng championship sa liga sa ibang bansa, matapos tulungan ang Saitama Ageo Medics na masungkit ang kampeonato sa Japan V League V Cup nitong Linggo sa Ota City General Gymnasium sa Tokyo.
Pinataob ng Ageo Medics ang NEC Red Rockets sa four sets,26-24,20-25,25-21,25-17, para ibulsa ang gold medal at makumpleto ang flawless campaign sa Division 1 V Cup.
Winalis ang Group B nakaraang Linggo at pinahiya ang powerhouse JT Marvelous squad sa five-set thriller, 25-21,25-22,18-25,15-13,nitong Sabado para ikasa ang bakbakan kontra NEC.
Tumipa si Santiago ng 11 points on nine kills at two blocks sa panalo, habang si Mami Uchiseto at Yuka Sato nag-ambag ng tig-15 puntos. Shainah Joseph nagdagdag ng 14 points.
Winalis ng Ageo Medics ang lahat ng pitong games sa V Cup.
Dinagdag ni Santiago sa kanyang koleksyon ang V Cup trophy sa bronze medal na kanyang napanalunan sa Ageo Medics sa last seasons V League tournament.
The post Jaja Santiago binitbit ang Ageo Medics sa kampeonato appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: