OPTIMISTIKO si Wrestling Association of the Philippines (WAP) president Alvin Aguilar na tuluyan nang magluluwag ang sitwasyon matapos ang matinding desisyon ng kinauukulan na isailalim uli sa lockdown ang National Capital Region at karatig lalawigang nasa Enhanced Community Quarantine na magtatapos sa Abril 4 ng taon.
Bagama’t aniya ay lalong mana- knockdown ang bayan sa epekto ng lockdown , naniniwala si Aguilar na hindi kayang i-knockout nang kalabang di nakikita dahil di siya naniniwalang ganoon kalupit ang mikrobyong pinalutang na deadly gayong ang lunas lang aniya ay pagi-ingat , pangangalaga sa kalusugan at pagiging malinis sa sarili at kapaligiran.
Gayunpaman, pinaalalahanan ng dating international titlist sa martial arts( jujitsu) ang kanyang mga atleta na sundin ang batas na ipinatutupad upang ma-katulong sa pagpapadapa sa itinimo sa tao na salot na mikrobyo upang makabalik na ang lahat sa normal ang sitwasyon.
Sa ganitong sitwasyong apektado ang lahat,may ipnararating siyang unsolicited advise sa madla at mensahe sa kanyang mga atleta:
“First ,we all have to stay in shape while in lockdown. Hindi oras yan para kumain, uminom o manuod at tumutok sa cellphone. Prepare your body well as lahat tayo eventually vulnerable sa coronavirus”,wika ni Aguilar, founding president ng popular na URCC MMA.
“Second, take always vitamins, Ivermectin and get a good amount of sunlight.
Third hindi din ako naniniwala sa maskara but sinusuot ko kasi batas yon. So gawin niyo na din malay mo totoo para manigurado.
Fourth ,if positive ka huwag ka muna pupunta sa hospital unless malala na pakiramdam. Ang daming mild cases na pumunta sa hospital kayanahawa sa iba dun at namatay. I declare mo pa din dapat sa mga contact tracing centers.”
Tiwala si Aguilar sa lakas na ating mga atleta at di kayang igupo ng pandemya.
Matapos ang abnormalidad na ito,balik na tayo lahat sa hayahay ng buhay kabilang na ang larangan ng sports.Prayers ang pinakamabisa”, ani pa Aguilar.(Danny Simon)
The post AGUILAR: KAHIT KNOCKDOWN SA LOCKDOWN, BAYAN AT ATLETA ‘DI MANA-KNOCKOUT NG PANDEMYA appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: