GUGULONG na sa Kamara ang impeachment complaint laban kay Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen, na unang inindorso ni Ilocos Norte Rep. Angelo Barba.
Hawak na ngayon ng House Committee on Rules ang impeachment complaint na inihain ng grupong Filipino League of Advocates for Good Government sa pangunguna ng kanilang secretary general na si Edwin Cordevilla.
Laman ng reklamo laban kay Leonen ang betrayal of public trust and culpable violation of the Constitution, hindi paghahain ng kanyang Statements of Assets Liabilities and Net Worth o SAL-N habang nagtuturo sa University of the Philippines, at ang pag- lobby nito para sa renovation ng isang cottage ng Supreme Court compound sa Baguio City na naka-assigned sa kanya, sa halagang P5 million pesos.
Sa liham na ipinadala ni Speaker Lord Alan Velasco kay House Majority Leader at Leyte Rep. Martin Romualdez noong March 25, na maisama na ang impeachment complaint sa order of business ng komite.
Nagsilbi si Leonen bilang Dean of the University of the Philippines (UP) Diliman College of Law, na appointed si former President Noynoy Aquino.
Maituturing na “kontra-pelo” ng Marcos camp si Leonen dahil nabigo silang pagbawalan ito na sumali sa electoral protest case ni former senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr laban Vice President Leni Robredo.
Yari ka ngayon!
***
SSS North Fairview Home Owners Association official, may tagong lihim?
SABIHIN na nating ito ay tsismis, pero baka nga naman totoo?
Isang very reliable source kasi ang nakipag-kwentuhan sa Congress Files tungkol sa kooperatiba na itinayo umano ng dating mataas na opisyal ng SSS North Fairview HOA.
Ang reklamo at kwento ng reliable source, kontrolado raw umano ng dating mataas na opisyal ang sistema at pamamalakad sa kasalukuyang liderato pagdating sa “kitaan.”
Imbes daw na kampihan ng kasalukuyang liderato ang mga residente, mas pinapaboran pa raw umano ang dating mataas na opisyal sa lahat ng kanyang kagustuhan para sa kooperatiba.
Sabi pa ng source, maraming residente raw ang nagtatanong kung sino ang mas nakikinabang sa kooperatiba? Ito raw ba ay personal na kooperatiba gamit ang pangalan ng asosasyon o sa pangkalahatan?
Nagtatanong lang naman sila! Paki paliwanag na lang kung may dapat ipaliwanag o linawin.
Isa pang katanungan para naman sa kasalukuyang liderato. Meron o wala na ba kayong magagawa tungkol sa dati kong reklamo na nagkalat ang TAE ng aso sa mga kalsada ng ating subdivision?
Uulitin ko kahit dito ako nakatira sa SSS Homes North Fairview, hindi kagandahan ang ating subdivision at lalong hindi naman ako makapapayag na isang squatter.
Ang ibig kong sabihin, gamitan naman ng “ngipin” o panindigan ang mga tarpaulin na ikinabit na may babalang “Tae ng aso mo, damputin mo!”
‘Wag naman basta ikinabit lang!
Pagdating naman sa peace and order situation, ok naman ang sitwasyon ng kaayusan at katahimikan sa loob ng subdivision kahit paminsan-minsan nakakabalitang may nangyaring nakawan.
Hindi ko intensyon ang manira kundi isang hamon para sa kasalukuyan at susunod na liderato na “ayusin, pagandahin at gawing malinis na kapaligiran ang buong subdivision.”
Say hello to the officers of the SSS North Fairview Homes Tennis Club!
The post Bata ni Noynoy, nahaharap sa reklamong impeachment appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: