Facebook

Katibayan na nais ni Digong protektahan ang media

NAGLABAS ng ulat kamakailan lamang ang United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) na maganda ang ipinakikitang inisiyatibo ng Pilipinas upang pangalagaan nito ang mga kapakanan ng mga mamamahayag sa bansa.

Umuusad daw ang magandang pagkalinga ng pamahalaan, partikular sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, para sa lahat ng media practioners sa bansa.

Sa nasabing ulat, inihayag ng UNESCO na ipinakita ng Administrasyong Duterte ang snsiridad nito na protektahan ang mga karapatan ng mga media sa pamamagitan ng pagbaba ng hatol para sa halos mahigit isang dekadang kaso ng 2009 Maguinadanao Massacre, kung saan 43 indibidwal na sangkot sa karumal-dumal na krimen kabilang ang mga mastermind nito ay napatawan ng kaparusahan.

Katibayan daw ito na ang kasalukuyang pamahalaan ay pinalalakas ang lahat ng kaparaanan makapagbigay at maipagtanggol ang mga karapatan ng media.

Hindi rin naman sa pagbubuhat ng sariling bangko, ang atin pinamumunuang Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) ay nabanggit din sa ulat ng UNESCO at napapurihan pa.

Ang sabi kasi ng UNSECO, isa raw ang Pilipinas sa mga bansang gumagawa talaga ng mga bagay na makabubuti para sa mga ‘journo’ nito. Katunayan, malaking bagay ang pagtatatag ni Pangulong Duterte ng PTFoMS sa pamamagitan ng kanyang kauna-unahang Administative Order No. 1 noong October 11, 2016, na bumuo ng PTFoMS – isang Inter-agency task force na makakapagbigay kaligtasan at kalinga sa mga media.

Kinilala at pinapurihan din ng UNESCO ang pagpapalabas ng “Handbook on Personal Security Measures for Media Practitioners” na naglalaman ng mga dapat gawing pagiingat ng bawat mamamahayag sa kanyang pagtupad ng kanyang tungkulin kumalap at maglahad ng balita. Ang nasabing ‘handbook’ ay inilimbag ng PTFoMS noong 2018.

Binigyan diin ng UNESCO ang mga ‘effort’ na ito ng Administrasyong Duterte na kumikilala sa kahalagahan ng papel ng media sa bansa at lipunan, kaya nararapat din bigyan proteksiyon ang lahat ng kabilang sa propesiyon ng pamamahayag.

Ikinagagalak ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar ang lahat ng tinuran ng UNESCO sa ulat nito, at sinabing patunay ito na ang Administrasiyong Duterte ay patuloy na pahahalagahan ang kalayaan sa pamamahayag o freedom of the press at patuloy itong aalalay upang protektahan ang buhay, kalayaan at seguridad ng mga media sa pamamagitan ng PTFoMS.

Ako rin naman, bilang kasama sa pamunuan ng PTFoMS ay nagagalak rin dahil nakikita na pala maging ng UNESCO ang bunga ng ating mga pagsusumikap na maglatag ng mga paraan upang maprotektahan ang ating mga kabaro.

Makakaasa ang lahat ng nasa hanay ng pamamahayag na ang PTFoMS ay kasama niyong lahat sa pagtugis, paghabla hanggang sa mahatulan ang sinomang gagawa ng karahasan, pananakot at maging pagpatay sa mga miyembro ng media sa bansa.

Maglulunsad nga pala, ang PTFoMS ng Webinar Series simula March 24 na may temang “PTFoMS MOVING 4WARD: Safeguarding Press Freedom During The Pandemic and Elections.” Tatalakayin natin dito ang mga safety protocols sa pagkalap ng balita sa gitna ng pandemiya at sa darating na halalan sa susunod na taon 2022. Mga beteranong mamamahayag ang ating mga tagapagsalita at iba pang mga eksperto bilang mga resource speakers.

Isang pasasalamat na rin sa pamunuan ng UNESCO sa paglalabas ng kanilang ulat na kumikilala sa pamahalaang Duterte na patutloy nagbibigay halaga sa papel na ginagampanan ng media sa bansa. Thank you UNESCO, MABUHAY!

The post Katibayan na nais ni Digong protektahan ang media appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Katibayan na nais ni Digong protektahan ang media Katibayan na nais ni Digong protektahan ang media Reviewed by misfitgympal on Marso 18, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.