SA Pilipinas may mga nagsasabuhay ng aral ng komunismo pero ayaw patawag na komunista, sobrang haba ng pakikibaka pero ayaw patawag na rebelde. Humahawak ng armas, pumapatay ng sibilyan at pwersa ng gobyerno at isama pa ang samu’t saring paglabag sa batas pero hindi daw terorista. Ilan nga sa legal fronts ay pinangalanan na at kinilala ng kanilang pinuno na nasa Europa pero pilit ibinabalik sa gobyerno ang paratang ng redtagging, pati ang mga pagpatay sa kanila mismong mga kasamahan ay pinapaako. Sari-saring alibi at pagpapaikot sa mga isyu ng lipunan, kesyo pagpigil daw sa malayang pagpapahayag pero kaliwa’t kanan ang welga at protesta sa kalye sa kabila ng pandemya. Hindi kinakitaan ng pagsang-ayon, puro apila at reklamo. Ang lakas mambatikos at magpetisyong magpatalsik ng tauhan ng gobyerno lalo’t pag epektibong nambubunyag ng kanilang panggagamit at panloloko. Sadyang mabisa marahil ang kolektibong ugnayan ng mga ahensiya ng gobyerno kaya’t sagad sagaran din ang pamumulitika para hadlangan ang mga programa ng pamahalaan para sa bayan. Ang nakakalungkot may ilang inosente paring nabibiktima at nalalason dahil walang sapat na kaalaman sa makakomunistang paraan ng panghihikayat. Kailangan pa ng mas maigting na pagmumulat at pagbibigay ng tama at sapat na impormasyon sa mga mamamayan.
Panahon uli ng pagpapaguapo ng mga kongresista at senador
Mga kongresman at senador pakilala na naman uli kayo sa masang Pilipino. Pwede na uli kayo mag-imbestiga in aid of legislation, dyan kayo magaling. Ito Dacera case, Commonwealth misencounter, Calbayog incident. Dyan kayo magaling imbes tumulong sa mga nangangailangan ng tulong. Isipin nyo pandemic marami me sakit at nawalan ng trabaho. Yan ang mga dapat tulungan. Mamahagi naman kayo ng mga DAF O PDAF nyo! – Juan
The post Mga nag-aaral ng komunismo pero ayaw patawag na komunista appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: