Facebook

Kontra-China

DALAWANG bagay ang aming napansin upang sabihin ng diretso na katanggap-tanggap ang 1Sambayan: ang paninindigan na paparusahan ang mga opisyales ng gobyernong Duterte na lumabag sa mga batas; at ang pagiging kontra China ng pamunuan nito. Kung hindi malinaw ang dalawang bagay na ito, alinlangan ang aming damdamin.

Diretsong kasangkot sa usapin ng China sina Tony Carpio, retiradong mahistrado ng Korte Suprema, at Albert del Rosario, isang mangangalakal na dating kalihim ng DFA. Masusing pinag-aralan ni Carpio ang pangangamkam ng China sa mga islang maliit na isla sa West Philippine Sea. Isa siya sa umayos sa mga ebidensiya na iprinisinta ng Filipinas bilang bahagi ng ebidensiya ng sakdal na iniharap ng Filipinas laban sa China sa United Nations Convention on the Law of the Seas (UNCLOS).

Maraming isinulat si Tony Carpio tungkol sa pangangamkam ng China sa ating teritoryo at totoong pinasungalingan ni Carpio ang teyoryang “Nine Dash Line,” na batayan ng China sa pag-aangkin sa halos kabuuan ng South China Sea. Maituturing si Tony Carpio na dalubhasa sa usapin ng pangangamkam ng China sa South China Sea.

Si del Rosario ang nagdala ng sakdal ng Filipinas kontra China sa lima-kataong Permanent Arbitral Commission ng UNCLOS. Siya ang kalihim ng DFA ng iniharap ng Filipinas ang sakdal sa Commission noon. Nanalo tayo sa asunto. Bumaba ang desisyon ng UNCLOS sa sakdal noong 2016, o dalawang linggo matapos umupo si Rodrigo Duterte bilang pangulo. Nagdiwang ang bansa, samantalang parang namatayan si Duterte sa desisyon. Kakampi kasi siya ng China at itinuturing ng marami na taksil siya sa bayan.

Bahagi ngayon ng international law ang desisyon ng UNCLOS Permanent Arbitral Commission sa usapin. Ito ang batayan ng Estados Unidos upang iginiit ang karapatan ng malayang bansa ang sa paglalayag sa South China Sea. Ito ang batayan kung bakit nasa South China Sea ang mga barkong pandigma ng Estados Unidos, Britanya, Japan, at Australia doon. Kathang-isip ang teoryang Nine-Dash Line at salamat sa mga pag-aaral ni Tony Carpio.

Hindi nalalayo si Conchita Carpio Morales, isang retiradong mahistrado ng Korte Suprema at Ombudsman, sa paninindigan kina Tony Carpio at Albert del Rosario. Komportable kami sa 1Sambayan dahil alam namin na hindi nila ibebenta ang bansa kahit kaninuman. Kasama silang tatlo sa hahatol kung sino ang tatakbong presidente, bise presidente, at mga senador sa tiket ng nagkakaisang puwersa ng demokrasya o oposisyon. Maski ang ibang convenor ng 1Sambayan: Bro. Armin Luistro, Fr. Bert Alejo S.J., Howard Calleja, at iba pa.

Naniniwala kami na malinaw ang mga binitiwang salita nina Tony Carpio at Conchita Carpio-Morales sa pulong balitaan ng 1Sambayan noong Huwebes. Haharap ang mga opisyales ng gobyernong Duterte sa mga sakdal sa hukuman sa kanilang paglabag sa batas kasama ang mga EJks, anila. “All those who have violated the law and committed illegal acts likes EJKs would to face due process and the rule of law,” ani Tony Carpio. Sinabi ni Conchita Carpio Morales na mananagot sa batas kahit ang kanyang pamangkin na asawa ni Sara Duterte kung nagkasala.

Malinaw ang 1Sambayan sa batayan ng pagkakaisa ng puwersang demokrasya. Kung wala ang mga batayang ito, hindi sila nagkakaisa at hindi nabubuo ang organisasyon upang lumaban sa abuso ng gobyernong Duterte: karapatang pantao, o human rights; soberanya, o sovereignty (bawal ang pro-China); at kahirapan (poverty) Kasalukuyan pa nililikha ang magiging agenda ng tatakbong presidente, bise presidente, at senador ng organisasyon.

***

INIHARAP ng Estados Unidos ang mga reklamo kontra China sa pulong ng kanilang mga delegasyon na kasalukuyang ginaganap sa Anchorage, Estados Unidos. Inirereklamo ang pangangamkam sa halos kabuuan ng South China Sea, ang pananakot na okupahin ang Taiwan, ang pagsupil sa aktibismo sa Hong Kong, at ang pagyurak sa dangal ng mga mamamayang Uighur sa Xinjiang. Inirereklamo rin ang pag-atake ng China sa mga cyber-network ng Amerika at ibang bansa. “Mahaharap ang China sa isang magulong mundo kapag hindi nagbago,” ito ang babala ni U.S. State Secretary Antony Blinken sa China.

Diretsuhan ang usapan sa paghaharap ng dalawang delegasyon. Walang paligoy-ligoy. Walang nasagot ang China kundi sabihin na nagkukunwari ang Estados Unidos , o nagpapanggap. Hindi masyadong pumuntos ang sagot ng China sapagkat alam ng mundo na ito ang laging sagot ng China. Nakakahon at walang bago sa lahat-lahat.

Nakakapagtaka na hindi kasali ang usapin ng Filipinas sa usapan lalo ang pagkamkam ng China sa ilang pulo sa West Philippine Sea at ang pagtayo ng base militar ng China doon. Hindi pinag-usapan ang pang-aapi ng China sa Filipino na nangingisda sa mga karagatan na bahagi ng exclusive economic zone (EEZ) ang Filipinas. Ang pinagtabuyan ng China na parang aso ang mga Pinoy na mangingisda doon at ariin ang kanila na hindi naman sa kanila.

Hindi itinuturing ng gobyerno ni Duterte na pangangamkam ang ginawa ng China. Hindi paglabag sa karapatan ng Filipinas ang ipagtabuyan ng China ang mga mangingisdang Filipino. Ibinigay nga pala ni Duterte ang mga teritoryong iyon. Dahil pareho sila ni Xi Jin-ping na walang respeto sa batas at hindi naniniwala sa pangingibabaw ng batas (rule of law), kaya walang kasulatan. Hindi siya kakampi ng mga Filipino sa usapin ng China. Ibinenta niya ang Filipinas sa China. Hawak sa leeg ng China si Duterte.

Dahil hindi opisyal na reklamo at tanging ang tinig lamang ng mga mamamayang Filipino ang maririnig, minabuti ng Estados Unidos na hindi na isama ang daing ng mga Filipino kontra China. Bakit ba? Kung walang pagmamahal si Duterte sa Filipinas, bakit mangangahas ang Estados Unidos.? Mukhang ito ang takbo ng isip ng Estados Unidos sa usapin ng relasyon ng Filipinas sa China. Hindi sila tatayo sa isang bagay na malamig tayo. Bakit ipaglalaban tayo ng Estados Unidos kung hindi natin alam ang sariling interes? Ano tayo sinusuwerte?

Mukhang bigo ang diplomasya ni Teddy Locsin Jr. at Babes Romualdez, ang sugo ng Filipinas sa Amerika. Maraming bagay na hindi nila natalastas sa mga Amerikano. O, hindi talaga sila pinapansin? Mukhang balewala ang relasyon ng Filipinas sa Estados Unidos. Hindi nga tayo iniintindi at maski bakuna sa pandemya, hindi tayo binibigyan.

***

QUOTE UNQUOTE: “I still cannot forgive Grace Poe for what she did in 2016. PNoy picked her up from obscurity, appointed her as MTRCB Chair and included her in the administration ticket and even topped the senatorial elections in 2013. In 2016, PNoy and Mar Roxas tried to convince her to withdraw from her presidential bid and slide down to the latter’s VP running mate in order not to divide the votes. She refused and listened more to her whisperer, Chiz Escudero, her running mate for VP. She betrayed PNoy. Had she withdrawn, Roxas could have won as President and she could also have won as VP. Instead, Duterte won. If we combined Roxas’ and Poe’s votes, Roxas could have won over Duterte by about 2 million votes if my math is correct. We can say that Poe has blood on her hands in the maladministration of Duterte. She is such an opportunist and an ingrate par excellence!” – Sahid Sinsuat Glang, dating ambassador at netizen

The post Kontra-China appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Kontra-China Kontra-China Reviewed by misfitgympal on Marso 18, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.