INARESTO ang isang magsasaka nang katayin, sunugin at kainin nito ang karne ng kainuman na kanyang nakaalitan sa Barangay Cutcot, Guiguinto, Bulacan.
Kinilala ang dinakip na si Marlon Cruz, 42 anyos, ng Brgy. Tiaong, Guiguinto; habang ang kanyang napatay ay kinilalang si Roger Herrera ng Brgy. Tabe.
Sa report, naaresto ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection (CIDG)-Bulacan si Cruz sa Brgy. Igulot, Bocaue 3:00 ng hapon sa bisa ng warrant of arrest sa kasong murder na inisyu ni Hon. Caroline Soriano-Rojas, Presiding Judge ng 3rd Judicial Region RTC Branch 84, Malolos City, noong July 30, 2020.
Nangyari ang krimen October 27, 2019 sa Guiguinto nang mag-inuman sina Cruz at Herrera.
Sa salaysay ni Cruz, napatay niya si Herrera nang magtalo sila tungkol sa supply ng kuryente.
Dahil sa sobrang galit at kalasingan ni Cruz, pinagsasaksak nito at sinunog ang biktima. Nang matusta kinain niya ang laman sa binti ni Herrera.
Sinabi pa ni Cruz na habang nagpapambuno sila ng ni Herrera, tinulungan siya ng kanyang tiyuhin na sumaksak ng kutsilyo nang dalawang beses sa dibdib nito hanggang sa mamatay.
Dagdag pa ni Cruz, nang makita ng kanyang tiyuhin na patay na si Herrera, humiwa ito ng kapirasong laman sa bandang binti at iprinito na nang maluto ay tinikman subali’t biglang iniluwa nito.
Sinabi pa ni Cruz na pagala-gala lamang ang kanyang tiyuhin sa kanilang lugar na siyang tunay na pumatay kay Herrera.
Nahaharap sa kasong murder si Cruz. (Thony Arcenal)
The post Lalaking kumain ng laman ng kainuman timbog: ‘CANNIBAL’ appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Lalaking kumain ng laman ng kainuman timbog: ‘CANNIBAL’
Reviewed by misfitgympal
on
Marso 03, 2021
Rating:
Walang komento: