Kapangyarihan ni P-Duterte para sa pagpapaliban ng taas-singil ng Philhealth, ilalabas ng Senado – Sen. Go
TINIYAK ni Senate Committee on Health Chairman Christopher “Bong” Go na maglalabas sila ng committee report na magbibigay ng kapangyarihan kay Pangulong Rodrigo Duterte para ipagpaliban ang pagtataas ng kontribusyon ng PhilHealth.
Ayon kay Go, base sa isinagawang pagdinig ng Komite, nakita nilang mayroong reserve fund ang PhilHealth na magagamit para sa mga miyembro.
Giit ni Go, ang mahalaga ay hindi maantala ang pagtulong ng PhilHealth sa mga miyembro habang binabalanse ang lahat dahil batid naman ng lahat na walang pera ang mga tao dahil marami ang nawalan ng trabaho bunsod ng COVID-19 pandemic.
Pakiusap ni Go sa PhilHealth, pangalagaan ang pera ng ahensiya at gamitin sa tama.
Sinabi ni Go na naniniwala siyang mas marami ang matitinong opisyal at empleyado ng PhilHealth at hindi sila papayag na mapunta sa hindi tama ang pondo.
Samantala, kinumpirma ni Go na kuntento sila ni Pangulong Duterte sa performance ni PhilHealth President and CEO Dante Gierran.
Hinamon pa ni Go na gawing 100% ang liquidation ng IRM ng ahensiya na base sa report ni Gierran ay 95% nang liquidated
Tiniyak din ni Go na hindi mabubuwag ang PhilHealth. (Mylene Alfonso)
The post Kapangyarihan ni P-Duterte para sa pagpapaliban ng taas-singil ng Philhealth, ilalabas ng Senado – Sen. Go appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: