Facebook

Lockdown sa ilang lugar sa Binondo, walang katotohanan

IGINIIT ng Manila Police District (MPD) at ng lokal na pamahalaan ng Maynila na walang katotohan ang kumakalat ngayon sa social media hinggil sa ilang establisyimento sa Binondo na nagpatupad ng lockdown.
Nabatid na may ilang indibidwal na nagpapakalat sa social media na sarado o lockdown ang ilang mall, condo, banko, mga opisina at kalsada partikualr ang Sta. Elena Street papuntang 168 mall.
Sa pahayag ni MPD Director, Brigadier General Leo Francisco, agad siyang nakipag-ugnayan sa station commander sa nakasasakop na lugar kungsaan sinabi ng mga ito na negatibo ang nasabing impormasyon.
Dahil dito, nanawagan ang MPD at Manila LGU sa mga netizen na huwag nang ipakalat pa ang maling balita at huwag narin palakihin ang isyu.
Ang nasabing posts sa social media ay unang ipinakalat noong July 2020 pero wala rin itong katotohanan. (Jocelyn Domenden)

The post Lockdown sa ilang lugar sa Binondo, walang katotohanan appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Lockdown sa ilang lugar sa Binondo, walang katotohanan Lockdown sa ilang lugar sa Binondo, walang katotohanan Reviewed by misfitgympal on Marso 08, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.