Facebook

Madayang timbangan, talamak sa Taguig

HINDI na kailangang pagtalunan pa ang mataas na presyo ng mga bilihin hanggang ngayong Marso dahil maraming dahilan kung bakit nangyari ito sa panahong nananalasa ang coronavirus disease – 2019 (COVID – 19).

Ang dapat pag-usapan ay ang pandarayang ginagawa ng mga maliliit na negosyante sa mga mamimili.

Ginagawa nila ito, sa pamamagitan ng madayang timbangan.

Pokaragat na ‘yan!

Ang nakabubuwisit, sinadya ang pandaraya.

Samakatuwid, sinadya ang pandurugas.

Pokaragat na ‘yan!

Marami ngayong maliliit na mga negosyante sa Lungsod ng Taguig, uulitin ko po, na sadyang dinadaya ang kanilang mga timbangan upang kumita ng napalaki.

Pokaragat na ‘yan!

Wala namang masama na kumita ang mga kapitalista dahil kasama ito sa kanilang pagnenegosyo.

Ngunit, naman sa umabot sa halos nakawin na nila ang kakarampot na sahod ng mga manggagawa at empleyado sa mga pribadong kumpanya.

Ang totoo, dati nang praktis ng mga tindero at tindera ng baboy, manok, isda at gulay, ngunit hindi naman kumilos kahit kailangan ang pamahalaang lungsod ng Taguig mula kay dating Alkalde Ma. Laarni Cayetano hanggang kay Alkalde Lino Cayetano.

Kaya, hindi matigil-tigil ang kakapalan ng mga mukha sa panloloko sa mga mamimili.

Batay sa mga nakukuha kong impormasyon nitong mga nakalipas na buwan, notoryus ang mga tindero at tindera ng baboy, manok, isda at gulay sa mga pelengke ng Brgy. South Signal, Brgy. Central Signal hanggang Brgy. Katuparan, Brgy. New Lower Bicutan, Brgy. Lower Bicutan, Brgy. Upper Bicutan at iba pa.

Karamihan ng mga mamimili ay galing sa hanay ng mga manggagawa at empleyado ng mga pribadong kumpanya na napakababa lamang ng sinasahod.

Alam ‘yan ng mga maliliit na negosyante, ngunit walang takot na ginagawang mandaya ng kanilang timbangan dahil hindi sila hinuhuli ng mga kinauukulan.

Sa totoo lang walang magagawa ang mamamayan sa walang tigil na pagtaas ng presyo ng mga bilihin dahil napakaraming paktor na naglalampungan at nagkukutsabahan sa isa’t isa upang gumulo ang tinatawag na “law of demand and supply” na sa dulo ay kikita nang todo-todo ang mga ganid na kapitalista.

Ngunit, sobra namang ang kapwa nating pangkaraniwang tao na maliliit na mga negosyante ay lokohin, dayain, dugasan at pagkakitaan tayo nang husto.

Sana, kumilos si Alkalde Cayetano laban sa mga mapanamantalang ito.

At kung sakaling pumasok sa isipan ni Cayetano ang pagkilos labban sa kanila, sana, tuluy-tuloy na aksyon upang matauhan ang binabanggit kong mga mandurugas sa kapwa.

The post Madayang timbangan, talamak sa Taguig appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Madayang timbangan, talamak sa Taguig Madayang timbangan, talamak sa Taguig Reviewed by misfitgympal on Marso 07, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.