Medical frontliners, healthcare workers, pasyente sa Negros Oriental Provincial Hospital inayudahan ni Bong Go
MATAPOS magbigay ng tulong sa mga nawalan ng trabaho at vulnerable sectors sa Dumaguete City, binisita rin ni Senator Christopher “Bong” Go ang Negros Oriental Provincial Hospital para personal na ayudahan ang mga medical frontliners, health workers at mga pasyente na nahaharap sa krisis dulot ng COVID-19 pandemic.
“Maraming salamat sa mga doctors, nurses at iba pang medical frontliners para sa lahat ng sakripisyo ninyo sa panahon ngayon. Dahil kayo ang nakakaalam sa giyera na ‘to, kayo ang inuuna namin ni Pangulong [Rodrigo] Duterte sa bakuna,” ayon kay Go.
“Dahil diyan pakiusap namin huwag ninyong pabayaan ang ating mga kapatid. Nasa inyong mga kamay ang kaligtasan ng ating sitwasyon ngayon,” idinagdag niya.
Sa kanyang pagbisita ay sinaksihan ng senador ang pagpapasinaya sa bagong gusali sa nasabing ospital at ang turn-over ng anim na ambulansiya na ibinigay ng national government sa pamamagitan ng Health Facilities Enhancement Program ng Department of Health.
Bilang chairman ng Senate committee on health, hinikayat ni Go ang lahat ng frontliners na maging matatag sa kanilang tungkulin na gamutin at tulungan ang mga may karamdaman.
Tiniyak niya na inuuna ng pamahalaan na mabigyan ng bakuna ang lahat ng medical frontliner dahil sila ang nasa unahan ng paglaban sa COVID-19.
“Huwag po kayong matakot sa bakuna, matakot kayo sa COVID-19. Tandaan natin na ang bakuna ang susi dito sa ating problema. Kami ni Pangulong Duterte magpapaturok kami sa harapan ng publiko hindi dahil prayoridad kami, kundi dahil gusto namin ipakita sa publiko na ang bakuna ay mapagkakatiwalaan,” ani Go.
Labis na pinasalamatan ni Go ang hospital staff members, sa pamumuno ni Hospital Dr. Liland Soila Estacion sa kanilang walang patid na pagsisikap na malabanan ang virus.
“Congratulations sa lahat ng improvements dito sa inyong ospital, sa inyong bagong building at mga bagong ambulansya. Bilang Health Committee Chair ninyo sa Senado, sisiguraduhin ko na hindi kayo mapag-iiwanan dito sa inyong provincial hospital. Pangako kong tutulong ako dito sa inyo,” ayon sa senador.
“Patuloy kami ni Pangulong Duterte na iikot para magbigay ng tulong kaya ‘wag kayong mahiya na lumapit sa aming opisina. Magtatrabaho kami sa abot ng aming makakaya para malampasan natin ang pandemyang ‘to,” anang pa ng senador. (PFT Team)
The post Medical frontliners, healthcare workers, pasyente sa Negros Oriental Provincial Hospital inayudahan ni Bong Go appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: