DAHIL isang taon na sa ilalim ng health emergency ang bansa bunga ng COVID-19, nagpalabas si Manila Mayor Isko Moreno ng memorandum para sa mas pinaigting na pagpapatupad ng kampanya laban sa nakamamatay na sakit at upang mapigilan ang muling pagtaas ng bilang ng kaso nito.
Inatasan ni Moreno si Manila barangay bureau director, Romeo Bagay na malawakang ipakalat ang memo at istriktong ipatupad ng lahat ng barangay chairman sa kanilang nasasakupan.
“We were together in relentlessly fighting this COVID-19 virus for over a year now. By pooling together our efforts and resources, we achieved remarkable milestones along the way in mitigating, if not preventing, the transmission of this dreaded virus while at the same time keeping our city’s economy afloat,” sabi ni Moreno.
Idinagdag pa nito na: “Recently, however, we have seen a resurgence of COVID -19 cases not only in our city but also in other parts of Metro Manila. Other factors like the presence of variants may have contributed to it but, to a large extent, the final analysis is that we may have become complacent and had put our guards down in fighting this COVID-19 virus. There should be no letting up.”
Alinsunod sa kapangyarihan ng local chief executive’s sa power of general supervision sa lahat ng barangays sa lungsod, sa ilalim ng Section 32 ng Local Government Code of 1991, inaatasan ni Moreno ang lahat ng barangay chairman na istriktong ipatupad at kung hindi maipatupad ay mahaharap sa kaparusahan, ang mga sumusunod: curfew hours (10 p.m. to 5 a.m. gaya ng napagkasunduan sa nakaraang meeting ng Metro Manila Council); physical distancing; wearing of facemasks and face shields (per IATF Resolution No. 88, S. 2020) at City Ordinance no. 5555 na nagbabawal ng pag-inom ng alak sa mga pampublikong lugar.
Kasama ring ipinag-uutos ni Moreno sa mga punong barangay ang patuloy na bantayan ang mga non-residents na pumapasok sa barangay.
Maging ang mga barangay kagawad at mga tanod ay binigyang kapangyarihan na magpatrulya sa mga kalye at pampublikong lugar na kanilang nasasakupan.
Kaugnay pa nito ay umapela ang alkalde sa mga residente na huwag maging pabaya sa kanilang proteksyon sa sarili dahil na rin sa naging pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19 na ayon sa kanya ay labis na nakababahala.
Bunga ng pagtaas na ito sa kaso ng coronavirus disease ay tatlong barangay sa lungsod ang isinailalim sa lockdown na nagrehistro ng mataas na kaso. Ang lockdown ay nagtapos ng Linggo, March 14. (ANDI GARCIA)
The post Memo ng mas pinaigting na kampanya vs. COVID-19, pinalabas ni Isko appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: