DAHIL sa mahigit isandaang libong hospital bill sa panganganak, napatay ng mister ang kanyang misis at naulila ang tatlong buwan pa lamang nilang mga anak na kambal sa General Santos City.
Sa ulat, napatay ni Rodolfo Bacyano, 34 anyos, ang kanyang live-in partner na si Aileen Yama, 23, ng Purok 6 Lower Labay, Tinagacan, General Santos Cty.
Ayon kay Police Capt. Nemesio Calipho, hepe ng Tinagacan Police Station, naaresto nila si Bacyano at inamin ang krimen na nag-ugat sa pagtatalo sa hospital bill na P103,000.
Nabatid na nakainom si Bacyano nang umuwi sa kanilang bahay, na nilayasan ng biktima bitbit ang kambal nilang anak.
Sinundo naman ni Bacyano ang kanyang mag-iina at doon na nangyari ang insidente.
Matapos mapatay sa saksak ang misis, patawa-tawa pa itong lumabas ng bahay at umupo sa damuhang bahagi habang binabantayan ng mga residente bago madakip ng mga otoridad.
Dahil sa pagkawala ng ina, wala raw tigil sa pag-iyak ang kambal na baby sa pagangalaga ng mga kapitbahay.
The post Misis bagong panganak ng kambal pinatay ni mister appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Misis bagong panganak ng kambal pinatay ni mister
Reviewed by misfitgympal
on
Marso 03, 2021
Rating:
Walang komento: