Facebook

Mga bulok na mansanas sa hanay ng PNP, marapat lamang mawala!

MAY all-out drive umano ang Philippine National Police (PNP) sa ilalim ng liderato ni General Debold Sinas na walisin ang lahat ng mga scalawags (anay) sa hanay ng pambansang kapulisan.

Isa ang tanggapan o unit ng Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) sa pangunahing sangay ng PNP na responsable sa pagmonitor at pagdakip sa mga scalawags in uniform.

Ang elite unit na ito ay walang sinasanto, maging mataas ka mang opisyal o pangkaraniwang pulisan (pulis na tulisan), lahat kinakalos at ikinukulong ng walang special treatment.

Bukod sa IMEG, may iba pang opisina ang PNP na nagpaparusa sa mga erring cops gaya ng IAS at iba pang investigating units na nag-iimbestiga sa kaso ng mga malatubang alagad ng batas.

Ang programa ng PNP hinggil dito ay binansagang “internal cleansing” upang at may layong maibalik sa publiko ang nawalang respeto at tiwala sa mga alagad ng batas.

Pero lately, may mga ulat sa mainstream media at maging sa social networking sites patungkol sa “disappearances” ng mga pulis na iniulat na dinukot ng mga armadong grupo na naka-bonnet.

Karamihan sa mga pulis na umano’y dinukot ay may mga pending na kaso ranging from kidnapping, carnapping, extortion, illegal drugs at kung anu-ano pang katarantaduhan.

Ang mga “disappearances” na ito ng mga binasagang mga salot sa sebisyo ay itinanggi ng PNP leadership na may kinalaman sila dito.

Hindi umano nila gawain ang mga ganitong istilo at kasalukuyang ipinag-utos na ni no less than the chief PNP himself Gen. Sinas ang malalimang imbestigasyon hinggil dito.

Maraming anggulo ang tinitingnan natin sa mga kaso ng umano’y pagdukot na ito sa mga may kasong pulis na sa kabila ng paulit-ulit na paalala ng pamahalaan at ng PNP ay hindi man lamang nagbago at tumiwalag sa sa mga organized crime syndicates na kundi nila kinabibilangan ay mismo pa nilang pinamumunuan.

Sa ganang atin, posibleng gawa ito ng mismong mga sindikatong may ilang panahon din nilang kinaaaniban o pinamumunuan.

May anggulo rin ng “double cross” at laglagan”.

May ilan kasing nagsasabi na hindi lamang mga pulis na may record ang nangangawala kundi pati na rin ang kani-kanilang mga “assets” o impormante.

Posibleng desisyon ito at diskarte ng mga boss ng sindikato na kundi man mga foreign gangsters ay mga pulitiko o mga taong gobyerno rin na nawalan na ng tiwala at kumpiyansa sa kanilang mga ‘PATONG” na kasangga sa police force o sa law enforcement groups.

Parang eksena sa pelikula o teleseryeng Ang Probinsiyano!

May anggulo rin na mga bayarang vigilantes ang nasa likod ng mga pagdukot na ito.
Pera nga ba ang dahilan o bounty na tinatawag?

Pero sino nga ang nasa likod o nagpi-finance sa grupong ito?

Eh di yung mga mismong drug lords at mga puno ng sindikatong tinarantado ng mga scalawags na pulis!

Sila ang may pinakamalaking motibo sa serye ng pagdukot at posibleng paglikida sa mga pulis na ito.

Hindi lamang mga loko at dorobong kapulisan ang kinakatay sa panahong ito kundi mga government officials gaya ng mga barangay executives, mayors, piskal at mga huwes na “in one way or the other” ay nabahiran ng korapsiyon at kailigalan ang kanilang career at katungkulan.

Suma total, ‘wag ipukol sa gobyernong Duterte ang “accusing finger” sa “disappearances” ng mga salot ng lipunan; more so sa ating mismong kapulisan.

Maayos pong umiiral sa ating bansa ang “law and order” na tinatamasa ng mga mamamayan for the longest time sa ilalim ng administrasyong ito.

At the end of the day, sino nga ba ang nakikinabang sa mga kaganapang ito kundi ang mga ordinaryong Juan dela Cruz na minsan ding nakaranas ng mapapait na karanasan sa kamay ng mga salot ng lipunan o mga kriminal.

Gone are the days na lawlessness ang umiiral sa ating mga lansangan.

Malaki po ang ibinaba sa bilang ng mga krimeng nangyayari.

Aminin po natin o hindi, malaki po ang ang naging epekto ng pagkakapanalo ni Pangulong Duterte sa pagbaba ng bilang ng mga krimeng nagaganap sa buong bansa partikular na dito sa Metro Manila.

Chilling effect nga ba ang tawag dito?

Mga holdapan, snatching, carnapping at kidnapping incidents.

Hindi man ganap na zero ang crime rate, bumaba ito sa lebel na panatag nang nakakagalaw at nakakakilos ang bawat mamamayan ng ano mang lugar dito sa bansa.

Ang mga walang kalaban, atraso o itinatagong krimen ay maluwag na nakakagala at walang pangambang magiging biktima ng ano mang di kanais-nais na pangyayari dahil andyan ang mga awtoridad para sila bantayan at pangalagaan.

Kung may mga ulat ng mga “disappearances” ng mga Ninja Cops at scalawags in uniform, kakaunti lamang ang bilang nito kumpara sa buong sambayanang nakalaya sa kuko ng mga hinayupak na kriminal na ang ilan ay mga miyembro pa nga ng pambansang kapulisan at ibang law enforcement agencies.

Ika nga, “a bitter pill to to take” bilang gamot laban sa salot ng ating lipunan.

A little sacrifice to make so that good and law-abiding people will live!

Masama po ba itong life equation?

Ang tawag dito ay radical change!

A change for the betterment of the Filipino people!

***

PARA SA INYONG KOMENTO,REAKSYON AT SUHESTIYON,MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP NO.0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com

The post Mga bulok na mansanas sa hanay ng PNP, marapat lamang mawala! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Mga bulok na mansanas sa hanay ng PNP, marapat lamang mawala! Mga bulok na mansanas sa hanay ng PNP, marapat lamang mawala! Reviewed by misfitgympal on Marso 03, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.