Facebook

PH BASEBALL MAGHAHANDA NA PARA SA ASIAN BASEBALL C’SHIP ’21 AT HUANGZHOU ASIAD ’22

DALAWANG higanteng kaganapang international ang paghahandaan ng Philippine baseball team sa magkasunod na taong 2021 at 2022.
Ayon kay Philippine Amateur Baseball Association (PABA) secretary-general Jose Pepe Muñoz, sa napipintong pagluwag ng IATF sa larangan ng sports ay maihahanda na ang pambansang koponan sa pamamagitan ng tryout at balik- ensayo na sa baseball diamond.
Ikakasa ng coaching staff na sina Orlando Binarao, Joseph Orillana, Saki Bacarisas at Keiji Katayama ang komprehensibong seleksiyon ng national baseball team para sa lalahukang Asian Baseball Championship sa Taipei sa darating na Oktubre ,2021.
“ We will participate first inTaipei ABC this year.Malaking tournament ito at magsisilbing barometro para naman sa ating sasalihang Asian Games Huangzhou 2022,” wika ni Munoz sa panayam.Sinabi pa ni Muñoz na marapat na ring lumahok ang Pilipinas dahil dalawang Asian Games na di nakalahok sa naturang quadrennial meet ang Pilipinas kung saan ay makakatunggali ang mga powerhouse Japan, Korea, Chinese Taipeh at China.
Ang Pilipinas ang siyang naghaharing kampeon sa rehiyon ng Southeast Asia sa larangan ng baseball.
Sa pahintulot ng IATF at Philippine Sports Commission sa pamumuno ni chairman William Ramirez ay mapapayagan na ang training at tryouts sa Rizal Memorial Baseball Stadium.
Kamakailan ay inanunsiyo ni Philippine Olympic Committee president Rep.Abraham ‘ Bambol Tolentinona ang sport na bseball ay kasama sa iapadalang Pilippine contingent sa Huangzhou Asian Games sa susunod na taon.
“I’m very happy to hear that the Philippines will be sending athletes in 46 sports including baseball at the 2022 Asian Games slated to run from September 10 to 25 in Hangzhou, China”, malugod na pahayag ni Japanese national – Philippine based Keiji Katayama na tumutulong sa ensayo ng pambansang koponan bago lumahok sa international competition at sa aktuwal na bakbakan sa diamond bilang deputy coach at consultant.
Si dating PBA superstar at ex PSC commissioner Chito Loyzaga ang kasalukuyang pangulo ng PABA.
Inanunsiyo rin ni Munoz na malapit nang matapos ang state-of-the-art baseball diamond. sa University of the Philippines ground na makakatulong ng malaki sa pagsulong ng sport sa bansa.

The post PH BASEBALL MAGHAHANDA NA PARA SA ASIAN BASEBALL C’SHIP ’21 AT HUANGZHOU ASIAD ’22 appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
PH BASEBALL MAGHAHANDA NA PARA SA ASIAN BASEBALL C’SHIP ’21 AT HUANGZHOU ASIAD ’22 PH BASEBALL MAGHAHANDA NA PARA SA ASIAN BASEBALL C’SHIP ’21 AT HUANGZHOU ASIAD ’22 Reviewed by misfitgympal on Marso 03, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.