NAGPASYA ang Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) na ipagpaliban ang Lakan Season South Division Finals rubber match sa pagitan ng Davao Occidental at Basilan matapos ang isa sa mga players ay nagpositibo sa COVID-19.
Kinumpirma ni MPBL commissioner Kenneth Duremdez ang development kahapon, Marso 10 ilang oras bago sumipa ang Tigers-Clash alas 4.ng hapon sa Subic bubble.
Ang win-or -Go home North Division Finals sa pagitan ng champion San Juan vs Makati ay itutuloy.
Sinabi ni Duremdes na lahat ng Basilan players at staff ay kailangan sumailalim sa seven-day quarantine extension bago magsagawa muli ng swab test.
“‘Pag negative silang lahat, papayagan na namin sila pumasok sa bubble (If they test negative, we will allow them to enter the bubble),” dagdag pa nya.
Sinabi rin ng 47-year-old chief na yung nag-negatibo sa first swab test ay pinapasok na sa self-contained zone.
Ang papalarin sa pagitan ng Knights at Super Crunch ay tutuloy sa best-of-five National Finals na dapat ay magsimula sa Biyernes, March 12, pero kailangan e-rescheduled dahil sa positive case incident.
Matapos matupad ang mga kinakailangan mula sa IATF, DOH at SBMA, ang MPBL ay nagtungo sa Subic bubble para tapusin ang Lakan Season na natingga dahil sa pandemic nakaraang taon.
The post MPBL kinansela ang Davao-Basilan decider dahil sa COVID-19 appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: