INIREKOMENDA ng Octa Research Team na magpatupad na ang pamahalaan ng “Hard GCQ o General Community Quarantine upang mapigilan ang pagkalat ng covid-19.
Ayon kay Prof. Ranjit Rye, sa ngayon ay nasa 1.5 na ang Reproduction Rate sa Metro Manila, ibig sabihin nito ang isang may covid-19 ay makakahawa ng hanggang sa dalawang tao.
Sakaling magpatuloy ang ganitong trend ay posibleng umabot ng 6,000 ang average daily case ng covid.
Dahil dito, nais ng Octa Research Team na isailalim sa hard GCQ ang mga lugar na may mataas na kaso ng covid-19, partikular na sa Metro Manila.
Ipinauubaya na umano ng grupo sa mga economic managers at health experts ang pagdedesisyon kung hihigpitan ang health protocols.
Dagdag pa ni Rye, hindi umano sapat ang ipinapatupad na minimum health standards dahil sa mataas na reproduction rate kaya kinakailangan na ulit higpitan ang paglabas ng mga tao upang hindi na magkahawahan pa.
“For the next two to three weeks or month, we need to have a hard GCQ. That’s the position of OCTA. We need to impose a strict compliance with the GCQ the way we understand the GCQ… for it to have an impact on the RR(reproduction rate),” dagdag pa ni Rye. (Jonah Mallari)
The post Octa Research inirekomenda ang hard GCQ sa mga lugar na mataas ang covid case appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: