Facebook

MAYOR AQUINO PATAY NA, NIRATRAT PA, NAGTAMO NG 21 TAMA NG BALA

NAKUNAN ng video ang  PNP operatives na binalikan at niratrat muli ang patay nang alkalde ng Calbayog City, Samar nang tambangan noong Lunes, Marso 8.

“Mabuti na lamang at naglalabasan ang mga video na ebidensyang magpapatunay na in-ambush si Calbayog City Mayor Ronald Aquino,” pahayag ni 1st District Samar Rep. Edgar Mary Sarmiento.

Ginawa ni Sarmiento ang pahayag bilang reaksyon sa sinabi ni PNP Chief, Gen. Debold Sinas, na shootout ang pangyayari at ang mga bodyguard ni Aquino ang unang nagpaputok.

Ayon kay Sarmiento, sadyang inaabangan  ng mga pulis na naka-bonnet at armado ng M203 ang pagdaan ng behikulo ni Aquino sa Laboyao Bridge, Barangay Lonoy, Calbayog City bago pa ito ratratin 5:30 ng hapon habang patungo ang alkalde sa birthday ng anak.

Bukod kay Mayor Aquino, napatay din ang closed security niya na si P/Sr. Staff Sergeant Rodio Sario, driver niyang si Dennis Abayon; P/Captain Joselito Tabada, hepe ng Gandara, Samar; P/Staff Sergeant Romeo Laoyon; at Clint John Paul Yauder, sibilyang tinamaan sa crossfire. Sugatan si Staff Sgt. Neil Matarum mula sa Cebu.

Sa nasabing insidente, nasawi rin ang dalawang pulis nang  gumanti ng putok ang mga bodyguard ng nayor.

Sabi pa ni Sarmiento, ang mga pulis na rumatrat sa alkalde ay nakatalaga sa Samar at dumayo lamang sa lugar.

Nitong Martes, kinuwestiyon ni Sarmiento kung bakit naka-bonnet ang mga pulis at armado ng M203. Ang bonnet aniya ay ginagamit lamang ng mga kriminal.

Ayon sa anak,  batay sa awtopsiya ay nagtamo si Mayor  Aquino ng 21 tama ng bala ng baril.

Sinabi ni Mark Aquino, panganay na anak ng mayor, isinagawa ang awtopsiya noong Miyerkoles.

“Ang sabi ng kaibigan ng papa ko… hindi ko po kasi kinayang makita ‘yung resulta ng autopsy… ang sabi niya, sa bilang niya, kalahati palang ng katawan ng papa ko, ang nabibilang na tama ng bala is 21 na na bala,” aniya sa panayam.

Partikular aniya ang tama ng bala sa ulo ng kanyang ama at maging sa dibdib.

Sa depensa naman ni Brig. Gen. Ildebrandi Usana, tagapagsalita ng Philippine National Police, nauna ang grupo ng mayor na magpaputok.

“Meron na pong mga witness na nagpapatunay po na noong nabangga ang van ng father ko, mayroong dalawang sasakyan na bumaba, isang pickup na Hilux at isang itim na Ford Everest na kungsaan lulan ang pitong tao na lahat ay may dalang high-powered firearms, at patuloy po nitong binabaril ang sasakyan ng father ko,” saad pa nito.

“Napakaimposible po, kasi ‘yung security ng papa ko na may dalang baril, nasa unahan po, ‘yung passenger side, which is ‘yun po ‘yung pulis. ‘Yung driver at tsaka ‘yung pulis na personal aide ng father ko po, sila ang unang tinamaan ng unang putok kaya hindi po sila nakapagpaputok.”

The post MAYOR AQUINO PATAY NA, NIRATRAT PA, NAGTAMO NG 21 TAMA NG BALA appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
MAYOR AQUINO PATAY NA, NIRATRAT PA, NAGTAMO NG 21 TAMA NG BALA MAYOR AQUINO PATAY NA, NIRATRAT PA, NAGTAMO NG 21 TAMA NG BALA Reviewed by misfitgympal on Marso 11, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.