DEPRESYON dala ng pagkakabaon sa maraming utang ang nag-udyok sa isang pulis na wakasan ang sariling buhay sa Tanza, Cavite, Miyerkules ng madaling-araw.
Kinilala ang nagpakamatay na si Police Staff Sergeant Ruel Sajonia, 34 anyos, nakatalaga sa Trece Martires CPS, residente ng Spring Green Subdivision, Barangay Bucal, Tanza.
Ayon sa kapatid ng biktima na si Lorna Perez, dumating ang pulis mula sa duty at nagpalit ng damit para matulog na sa sala. Maya-maya ay bumangon ito at dumiretso sa banyo at ilang saglit lang ay umalingawngaw ng putok.
Agad aniya ginising ang asawa ng pulis na natutulog sa kuwarto ng mga ito at nang puntahan nila at pwersahang binuksan ang pinto ng banyo ay bumulaga sa kanila ang duguan at walang buhay na pulis, katabi ang baril na ginamit.
Ayon sa misis ng pulis, napansin na niyang may depresyon ang mister dahil sa dami ng kanilang mga utang sa iba’t ibang lending institutions at duda ang pulisya na ito ang dahilan sa pagpapakamatay ni Sajonia. (Irine Gascon)
The post Pulis nabaon sa lending nagbaril-patay appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: