ISINUSULONG ni Albay Rep. Joey Salceda ang pagbibigay ng monthy honorarium o sweldo sa mga SK Kagawad at bigyan ng dagdag na responsibilidad ang naturang mga opisyal.
Ayon kay Salceda, ang pagbibigay ng monthly salary sa mga SK Kagawad, ay magpapakita na binibigyang halaga at respeto ng estado ang trabaho ng SK.
Kasabay nito ay inaasahan naman na mas magiging professional ang mga SK Kagawad sa kanilang trabaho tulad ng isang paid government official.
Sa ilalim ng House bill 1667 o Expanded Sanggunian Kabataan Benefits Act, itinutulak ang pagbibigay ng sweldo na katumbas ng kalahati ng sweldo ng isang barangay kagawad.
Itinutulak din ang pagkuha ng SK Treasurer at Secretary.
Diin ni Salceda, dapat palakasin ang SK bilang institusyon upang maalis na ang imahe nito na ‘breeding ground’ ng traditional politics o trapo.
Dapat din aniyang bigyan ng dagdag o mas mabigat na responsibilidad ang mga SK Kagawad.
Inaasahan din aniya sa mga SK na susunod ng mga ito sa civil service regulations at ethical standard ng isang government official.
Ipinapanukala naman ng kinatawan na kunin mula sa Internal Revenue Allotment o IRA ng mga LGU ang pondo para sa benepisyo at sweldo ng mga SK.
Sa taya ni Salceda, aabutin ng P31.22 billion ang kakailanganin kada taon para sa isinusulong na reporma. (Henry Padilla)
The post Sweldo sa mga SK Kagawad itinutulak sa Kamara appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: