Facebook

‘Onli in da Pilipins’

I respect everybody. You don’t have to earn my respect. You earn my disrespect. — Comedian Charlie Murphy

MAY ilan sa atin na kapag nakakita ng taong may kapansanan ay kinakaawaan ito o dili kaya’y iniisip na hindi ito makakagawa ng krimen o kabastysan man lang dahil nga sa kanyang kapansanan.

Subalit napatunayan sa isang insidente sa Singapore na mayroon ding mga tinatawag na ‘persons-with-disabilities’ o mga PWD na maaaring may kapilyuhan din at maituturing na criminal.

\Sa kaganapan sa labas ng Lavender MRT station, isang lalaking may edad na at naka-wheelchair ang nagtanong ng direksyon sa isang ginang at matapos na sumagot ito ay bigla na lang hinawakan ng PWD ang puwet ng babae.

At makalipas ang anim na buwan, muling naroroon ang 64-anyos na suspek na si Let Hwa Khoon at pagkapuwesto sa likuran ng isang babae, walang pakundangang itinaas ang laylayan ng palda nito para Makita ang kanyang underwear.

Ngayo’y nakakulong si Let sa parusang 16 na linggong pagkabilanggo makaraang umamin sa kanyang pagkakasala na ‘two counts of molest’. Napabigat ang parusa ni Let dahil nagawa niya ang kanyang pagkakasala habang “on remission” mula sa kanyang dating jail sentence sanhi ng drug consumption.

Sa kasong ‘molest’, dapat sanang nahatulan si Let ng dalawang taong pagkabilanggo, minultahan o pareho at habang may dala rin itong posibilidad ng ‘caning’ (pagyayantok), hindi na aplikable sa kanya ang gayon dahil mahigit 50 taong gulang na siya.

Tunay na mahigpit sa Singapore subalit dito naman kaya sa atin sa ‘Pinas . . . napaparusahan ba ang mga lalaking nambabastos ng babae?

May kilala akong ginahasa na ng dayuhang pinatira niya sa kanyang bahay dahil naubusan ito ng pera pero sa halip na maparusahan ang abusadong foreigner ay hindi ito naireklamo at nakabalik pa sa Estados Unidos ng wala mang lang kaso.

At mayroon pa isang foreigner din mula sa Europa na bukod sa pinagpapasasaan niya ang katawan ng isang Pinay na ginawa niyang utusan at parausan ay ginawa pa niya drug courier para sapagbili ng kanyang shabu kapag nais niya ma-high o kaya’y maka-sex ang biktima. Ito ma’y nakauwi sa kanila sa Sweden ng walang kaso.

Totoo nga yata ang kasabihang “onli in da Pilipins.”

* * *

PARA sa inyong komento o suhestyon, reklamo o kahilingan, magpadala lamang ng mensahe o impormasyon sa aking email na filespolice@yahoo.com.ph o dili kaya’y i-text n’yo na lang ako sa aking cellphone numbers na 09054292382 para sa Globe at 09391252568 para sa Smart. Salamat po!

The post ‘Onli in da Pilipins’ appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
‘Onli in da Pilipins’ ‘Onli in da Pilipins’ Reviewed by misfitgympal on Marso 19, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.