Facebook

Pagpayag ni PRRD na mag-import ang private entities ng COVID-19 vaccines, pinuri ni Bong Go

PINURI ni Senator Christopher “Bong” Go ang naging desisyon ni Pangulong Duterte na payagan ang private entities na mag-import ng COVID-19 vaccines para sa kanilang mga manggagawa.

Ayon kay Go, ang hakbang ng Pangulo ay batay sa whole-of-nation approach ng gobyerno para masugpo na ang COVID-19 pandemic at ito ay bahagi rin sa collective efforts na panawagan sa bawat isa.

Binanggit ng senaror na isa siya sa nanawagan sa nasabing hakbang upang mapalakas ang mga private sector na nakikibahagi sa ikakatagumpay ng National Vaccination Program.

“Isa ako sa pangunahing nagmungkahi nito sa Pangulo at kay Vaccine Czar Carlito Galvez, Jr. noong nakaraang mga araw para mapabilis ang ating vaccine rollout,” ani Go.

“Magtulungan po tayo dahil ang laban kontra COVID-19 ay laban ng buong sambayanang Pilipino at hindi ng gobyerno lamang,” giit niya.

Sinabi ni Go na dapat lamang bigyan ang private sector ng oportunidad na makatulong sa pagpapabilis ng vaccination program, lalo’t may mga pribado na may direktang kontak sa vaccine providers.

“Karamihan sa private sector ay may sariling direct contacts sa mga vaccine providers. Mabibigyan natin sila ng sapat na oportunidad na makatulong kung pabibilisin natin ang proseso at aalalayan natin sila sa pag-comply sa mga requirements,” ayon kay Go.

“Huwag pong pahirapan para hindi matagalan ang pagbili ng bakuna para sa mga kababayan natin,” dagdag niya.

Ayon sa senador, kapag nabakunahan agad ang mga empleyado sa pribadong sektor ay mas mabilis na sisigla muli ang ating ekonomiya, ligtas na makakapagtrabaho ang ating mga manggagawa, at muling aangat ang kabuhayan ng kanilang pamilya.

“Makakatulong ito upang bumaba ang bilang ng mga Pilipinong naghihirap at nagugutom,” ani Go.

“Magtiwala tayo sa gobyerno at suportahan natin ang ating National Vaccine Roadmap. Paigtingin natin ang diwa ng bayanihan para mas mabilis natin mabakunahan ang ating mga kababayan. Ito ang tanging susi at solusyon upang makabalik tayo sa normal na pamumuhay,” ayon pa sa senador. (PFT Team)

The post Pagpayag ni PRRD na mag-import ang private entities ng COVID-19 vaccines, pinuri ni Bong Go appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Pagpayag ni PRRD na mag-import ang private entities ng COVID-19 vaccines, pinuri ni Bong Go Pagpayag ni PRRD na mag-import ang private entities ng COVID-19 vaccines, pinuri ni Bong Go Reviewed by misfitgympal on Marso 31, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.