Facebook

Para sa tuloy-tuloy na pagbabago: ‘Go-Duterte’ tandem sa 2022

MAKABUBUTI umanong iboto bilang susunod na pangulo ng bansa si Sen. Christopher Lawrence ‘Bong’ Go sa pambansang halalan sa 2022 kung gusto ng mga Filipino na magtuloy-tuloy ang mga pagbabago sa lipunan na isinusulong at ipinatutupad ng Duterte administration.

Sa isang panayam, pinuri ni Patrol partylist Representative Jorge Bustos ang ‘multi-role’ na ipinakikita ni Sen. Go na aniya ay isang “inspirasyon” sa lahat ng mga lingkod-bayan.

“Ewan ko kung saan pa kumukuha ng lakas (energy) si Sen. Bong Go sa kanyang kasipagan na talagang nakaka-inspire,” anang mambabatas.

Noong Marso 4, 2021, sinabi pa ni Bustos na nagkasama sila pansamantala ni Go sa Angeles City, Pampanga nang pangunahan ng senador ang inagurasyon ng ika-102 Malasakit Center.

Ang inagurasyon ay ginanap sa Rafael Lazatin Memorial Medical Center.

Si Go ang pangunahing may akda ng RA 11463 o ang Malasakit Center Act of 2019 na nagmamandato sa lahat ng ospital na nasa pangangasiwa ng Department of Health na magtayo ng kani-kanilang Malasakit Center na tutugon sa pangangailangang medikal at pangkalusugan ng mga mahihirap.

Nasa Angeles City rin ang grupo ni Bustos para naman magbigay ng tulong at ayuda sa mga kasapi ng Philippine National Police (PNP) at Simbahang Katoliko para sa kani-kanilang mga proyekto.

Idinaan sa ‘gift-giving’ ang kanyang ika-50 kaarawan, binigyan ng grupo ni Bustos ng mga ‘computer sets’ ang ilang police stations sa Pampanga at mga ‘mountain bikes’ para sa kanilang pagpapatrolya.

Aniya, sa mga okasyon na nagkakasama sila ni Sen. Go ay saksi siya sa “masaya” at “mainit” na pagtanggap ng taumbayan sa senador dahil na rin sa mga katangian nitong mapagkumbaba at “walang ere sa katawan.”

Bunsod ng paniwala ng Patrol partylist na tanging si Go ang puwedeng magtuloy ng mga “magagandang nasimulan” ng kasalukuyang administrasyon ay isusulong nito ang ‘Go-Duterte’ tandem sa 2022 election .

“Napakaikli ng 6 years (termino ng presidente ng bansa) at kung may isang tao na puwedeng magtuloy ng mga nagawa ni Pang. Duterte, ito ay si SAP Bong Go,” paliwanag ni Bustos.

Dapat din aniyang manggaling sa ‘same team’ ang kandidato sa pagkapangulo ng administrasyon upang matiyak na magtutuloy-tuloy ang mga programa ng administrasyon na nakatutok sa paglaban sa korapsyon at pagbabalik ng katahimikan sa mga komunidad.

“Dapat nasa same team para may continuity,” dagdag pa ni Bustos.

Bunga nito ay hayagang isinisigaw ng Patrol partylist supporters ang kanilang planong suportahan ang “Go-Duterte” tandem para sa 2022. (PFT Team)

The post Para sa tuloy-tuloy na pagbabago: ‘Go-Duterte’ tandem sa 2022 appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Para sa tuloy-tuloy na pagbabago: ‘Go-Duterte’ tandem sa 2022 Para sa tuloy-tuloy na pagbabago: ‘Go-Duterte’ tandem sa 2022 Reviewed by misfitgympal on Marso 07, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.