Patay ang isang pinuno ng simbahan na pangulo rin ng senior citizen ng kanilang barangay nang pagbabarilin ng mga hindi kilalang salarin sa bahay sa Sito Pantoc Hacienda, Barangay San Francisco, Nueva Ecija, nitong Linggo ng gabi.
Kinilala ang biktima na si Domingo Dela Peña, 69 anyos, pastor/preacher ng Back to Christ Church, at senior citizen chapter president ng nasabing lugar.
Sa ulat, nakasuot ang mga salarin ng face mask at itim na sweat shirt na may printed na Barangay Police logo, ang kumatok sa nasabing bahay, 7:00 ng gabi.
Ayon sa report, ipinagtanong ng mga salarin kung nasaan ang may-ari ng nasabing bahay at nang lumabas ang biktima pinaulanan ito ng bala ng isa sa mga salarin, gamit ang hindi pa batid na kalibre ng baril.
Binantaan pa ng salarin ang misis ng biktima na huwag makikialam at pagkatapos tumakas na patungo sa direksyon ng Barangay Lambakin sa bayan ng Jaen, sakay ng isang hindi rehistradong motorsiklo na Honda Click.
Naglunsad ng dragnet operation laban sa mga salarin at patuloy na inaalam ang motibo sa pagpatay.
The post Pastor pinatay sa loob ng bahay appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: