Facebook

PNP sa napatay na 9 aktibista: “Lehitimo ang operasyon sa Calabarzon”

NANINDIGAN si Philippine National Police Chief, General Debold Sinas, na lehitimo ang operasyon ng Police Regional Office 4A o CALABARZON PNP na nagresulta ng pagkasawi ng 9 katao at pagkakadakip sa 15 iba nitong Linggo.
Ayon kay Sinas, ang operasyon ng mga pulis laban sa mga kriminal at lumalabag sa batas ay batay sa ipinalabas na ‘search warrant’ ng korte.
Sinabi ni Sinas, pinaghirapan ng mga pulis ang pagkuha ng search warrant sa korte tulad ng pagkuha ng arrest warrant dahil kailangan mo ng mga testigo at pagsusuri ng Judge bago ito ilabas.
Aniya, sa pamamagitan ng search warrant umaakto lang ang mga pulis upang protektahan ang komumidad sa mga individual na nag-iingat ng mga baril at explosive.
Hinamon ni Sinas ang mga kritiko at makakaliwang grupo na kung mayroon silang sapat na ebidensiya sa kanilang mga paratang, maari silang dumulog sa korte.
Hinikayat rin ni Sinas ang lahat ng mga pulis na pag-ibayuhin ang kampanya laban sa mga lumalabag sa batas na siyang mission ng PNP.
(Mark Obleada)

The post PNP sa napatay na 9 aktibista: “Lehitimo ang operasyon sa Calabarzon” appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
PNP sa napatay na 9 aktibista: “Lehitimo ang operasyon sa Calabarzon” PNP sa napatay na 9 aktibista: “Lehitimo ang operasyon sa Calabarzon” Reviewed by misfitgympal on Marso 08, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.