BUMULAGTA ang isang pulis nang barilin sa ulo habang kumakain sa loob ng restaurant sa Sultan Kudarat.
Kinilala ang biktima na si Police Corporal Nasrodin Bansuan, taga Isulan, Sultan Kudarat.
Sa ulat, binaril ang pulis 4:09 ng hapon ng Huwebes, habang nasa loob ng Cotton Bowl Grill Steak House sa San Miguel St., Baramgay Lagao.
Ayon sa report, tama sa ulo ang naging sanhi ng agarang kamatayan ng pulis.
Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang pulisya sa krimen.
The post Pulis pinatay sa loob ng restoran appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Pulis pinatay sa loob ng restoran
Reviewed by misfitgympal
on
Marso 05, 2021
Rating:
Walang komento: