Facebook

Romblomanon kinalampag ang Sandiganbayan sa kaso ng kanilang kongresista

NANANAWAGAN ang grupo ng concerned Romblomanon sa Sandiganbayan na lutasin na ang kaso laban sa incumbent congressman ng lalawigan na si Eleandro Jesus Madrona, na nahaharap sa graft charges sa anti-graft court.

Ayon sa Romblon Alliance Against Corruption and Dynasty (RAACD) na pinamumunuan ng journalist Nick Ferrer, si Madrona at dalawa pang ranking provincial agricultural employees ay may ilang taon nang naka-pending na graft charges sa Sixth Division ng Sandiganbayan.

Sinabi ng grupo na ang huling pagdinig sa kaso ay noon pang 2019 at hindi na nasundan ang mga pagdinig na nakatakda sa pagitan ng Marso hanggang May 2020, na-postpone dahil umano sa “COVID-19 pandemic.”

Samantalng noong nakaraang Mayo 2020, ang anti-graft court ay hindi manlang nag-reset ng kahit isang pagdinig sa kaso, na nagiging advantage na sa mga akusado partikular kay Madrona na naghahangad ng reelection sa 2022, sabi ni Ferrer.

Ang graft charges laban kay Madrona ay isinampa noon pang 2004 ni dating Romblon, Romblon Vice Mayor Lyndon Molino. Si Madrona ay governor ng Romblon noon.
Si Madrona ay bumalik sa politika noong 2019 elections bilang kinatawan ng lone district ng lalawigan, habang si Molino ay nahalal na municipal councilor ng bayan ng katulad na taon
Ang kaso laban kina Madrona ay iniakyat sa Sandiganbayan noong 2017 matapos makitaan ng Office of the Ombudsman ng “probable cause” na paglabag sa Anti- Graft and Corrupt Practices Act. Isa sa mga co-accused ni Madrona ay dinismis sa serbisyo ng Ombudsman.
Noong August 5, 2019, sinupinde ng Sandiganbayan si Madrona ng 90 days tungkol sa kinakaharap niyang graft case kaugnay ng kuwestiyunableng pagbili ng fertilizers noong 2004 na nagkakahalaga ng P4.8 million. Sinabi ng Sandiganbayan na ang kaso laban kay Madrona ay “valid”.
Ang RAACD member and advertising executive na si Arlyn Servañez ay umapela sa anti-graft court na bilisan ang paglutas sa graft case dahil maging ang Commission on Audit ay nabuking ang katiwalian sa transaction na “grossly disadvantageous to the government”.
Sinabi nina Servanez at Manila-based newspaper publisher Joey Venancio na ang Romblon populace ay naghihintay ng desisyon ng korte dahil malapit na naman ang filing ng certificate of candidacy para sa 2022 elections, “in which we want to learn from the anti-graft court if Madrona is qualified to seek any government position if he is found guilty.”

The post Romblomanon kinalampag ang Sandiganbayan sa kaso ng kanilang kongresista appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Romblomanon kinalampag ang Sandiganbayan sa kaso ng kanilang kongresista Romblomanon kinalampag ang Sandiganbayan sa kaso ng kanilang kongresista Reviewed by misfitgympal on Marso 16, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.