Facebook

DPWH DIRECTOR HULI SA VIDEO NA NAGPAPAAGAW NG LIMPAK-LIMPAK NA SALAPI SA PARTY

KAHIT todo deny sa media interviews na hindi siya kailanman namigay ng cash bilang regalo sa ibang tao, kitang-kita sa isang video na isinumite sa Office of the Ombudsman na nagpapaagaw ng perang nagkakahalaga ng 2-3 milyong piso si DPWH Regional Director Ronnel Tan sa isang party na diumano’y ginanap sa bahay nito.

Ito ang bagong pasabog ng kampo ni Quezon Province Councilor Arkie Yulde na naghain ng kasong ‘Graft and Corruption’ laban sa DPWH official, at nagsusulong na magkaroon ng malalim na lifestyle check kay Tan at sa kaniyang pamilya, kabilang na ang kaniyang maybahay na si Quezon Province District 4 Congresswoman Helen Tan.

Sinampahan ni Yulde si Tan ng patung-patong na reklamo noong Oktubre 2020, kabilang na rito ang ‘grave misconduct’, at paglabag sa RA 6713, Code of Conduct & Ethical Standards of Public Officials and Employees; RA 3019, Anti-Graft and Corrupt Practices Act; at RA 7160, Local Government Code.

Paulit-ulit na sinagot ng kampo ni Tan na walang katotohanan ang bintang at ito ay puro pulitika lamang, at hindi sila kailanman namudmod ng pera sa kahit anong pagtitipon na kanilang dinaluhan. Pero sa nasabing video, kitang-kita sa akto si Dir. Tan na isinasaboy sa ere ang hawak nitong bungkos-bungkos na pera, habang ang kaniyang mga bisita ay nagkukumahog saluhin ang nagliliparang mga salapi.

Nanawagan din si Yulde sa Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) na imbestigahan ang pamilya Tan, lalo isa si Congw. Tan sa mga pinangalanan ni Pangulong Rody Duterte na may mga kaso ng pangungurakot ayon na rin sa report na isinumite ng PACC.

Matatandaang nadawit din si Congw. Tan, chairperson ng Committee on Health sa Kamara, sa isyu ng PhilHealth scam dahil sa pagbubulsa nila diumano ng pondo gamit ang interim reimbursement mechanism (IRM).

Nito lamang buwan ng Marso, nadawit din si Congw. Tan na binansagang “Bakuna Queen” ng netizens sa isang eskandalo. Kalat na kalat sa social media ang kaniyang pagpapaturok ng COVID-19 vaccine, kahit na hindi siya frontliner at hindi kasama sa priority list ng IATF, at may direktiba na ang Kamara na hindi maaaring mauna ang mga kongresistang mabakunahan sa mga maliliit na empleyado ng Kongreso.

The post DPWH DIRECTOR HULI SA VIDEO NA NAGPAPAAGAW NG LIMPAK-LIMPAK NA SALAPI SA PARTY appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
DPWH DIRECTOR HULI SA VIDEO NA NAGPAPAAGAW NG LIMPAK-LIMPAK NA SALAPI SA PARTY DPWH DIRECTOR HULI SA VIDEO NA NAGPAPAAGAW NG LIMPAK-LIMPAK NA SALAPI SA PARTY Reviewed by misfitgympal on Marso 16, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.