Facebook

VP Robredo personal nagbaba ng tulong sa Iloilo

BUMISITA si Vice President Leni Robredo sa iba’t ibang bayan sa Iloilo bilang bahagi ng patuloy na pagbibigay ng tulong ng kaniyang tanggapan sa mga komunidad sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Personal na binisita ng Vice President ang dalawa sa community learning hubs na sinimulan ng kaniyang tanggapan sa bayan ng Tigbauan at Sta. Barbara noong Lunes, Marso 15.

Sa kaniyang pagdalaw, ibinahagi ng mga partner at volunteer kay VP kung paano pinadali ng learning hubs ang distance learning para sa mga mag-aaral sa kanilang lugar.

Idiniin ni VP Leni sa isang panayam sa Sta. Barbara ang kahalagahan ng pagtatayo ng mga CLH para punan ang mga isyu’t kakulangan na hinaharap ng mga estudyante sa distance learning sa gitna ng pandemya.

Bumisita rin si VP Leni sa bayan ng San Joaquin, kungsaan nakausap niya ang mga residente ng Brgy. Crossing Dapuyan na nakatanggap ng tulong mula sa OVP para sa pagpapatayo ng maayos na palikuran. Bahagi ito ng programa ng San Joaquin LGU na Zero Open Defecation program.

Sa San Joaquin ay nakilala ni VP Leni ang mga opisyal ng Angat Kababaihan, Inc. (Akai)—isang programa ng munisipalidad na nakatanggap ng silver award sa Bridging Leadership Program ng OVP.

Sa pagtatapos ng kaniyang unang araw sa Iloilo, tumungo si VP Leni sa Oton at Cabatuan para bisitahin ang mga magsasaka na natulungan sa pamamagitan ng Angat Buhay program ng kaniyang tanggapan, kabilang na ang Oton Farmers Producers Cooperative at Pamuringao Proper, Pamuringao Garrido, Bacan & Morobuan (PAPABACAMO) Farmers Association.

Ikinuwento ng mga magsasaka sa Bise Presidente kung paano nakatulong sa kanilang produksyon ang mga farm tractors na binigay ng Tanggapan ni VP Leni.

Binista rin niya ang Anilao Youth Center bayan ng Anilao, na isa sa mga nakatanggap ng tulong mula sa Bridging Leadership program ng OVP para ayusin at dagdagan ang mga learning materials sa youth center.

Matapos nito, dumiretso siya sa bayan ng Carles upang pangunahan ang Alaskabuhayan Cooking Training and Demonstration—isang proyekto sa pagtutulungan ng OVP at ng Alaska Milk Corporation na naglalayong bigyang kaalaman ang mga magulang sa paghahanda ng malulusog na pagkain para sa mga bata sa kanilang komunidad.

Bumisita rin si VP Leni sa Iloilo City para personal na tingnan ang konstruksyon ng COVID-19 Laboratory ng lungsod. Noong 2020, nakatanggap ang Iloilo City ng grant mula sa OVP para sa pagbili ng mga equipment sa pasilidad.

Last stop ni VP Leni sa probinsya ang Mandurriao, Iloilo City, kungsaan nakipagpulong siya sa convenors ng Ahon Laylayan Koalisyon upang pakinggan ang mga proyektong pinaplanong simulan sa kanilang komunidad, gayundin ang mga problemang kinakaharap ng kanilang sektor.

The post VP Robredo personal nagbaba ng tulong sa Iloilo appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
VP Robredo personal nagbaba ng tulong sa Iloilo VP Robredo personal nagbaba ng tulong sa Iloilo Reviewed by misfitgympal on Marso 16, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.