Facebook

Quezon Gov., anak na Congressman at mag-asawang board member kinasuhan ng ex-lider ng CPP-NPA

SINAMPAHAN ng kasong disloyalty to the Republic of the Philippines and the filipino people, Republic act 10592 o anti-terrorism law, dishonesty at oppression sa Ombudsman ang mag-amang sina Quezon Gov. Danilo Suarez at Cong. David ‘Jayjay’ Suarez; mag-asawang board member Rhodora Tan at Jeson Haboc-Tan.
Kinilala ang mga nagsampa ng reklamo na dating lider ng New People’s Army Guerilla Squad Team ng Hukbong Makabayan at Makabansa na sina Rufino Celeste Callanta alias Ka Ruping, dating pinuno; at Sonny Palisoc dela Cerna alias Ka Juanito, dating battalion commander ng grupo na naka-base sa Quezon at Laguna.
Batay sa limang pahinang complaints affidavit, inakusahan ng dalawang dating pinuno ng CPP-NPA sa Southern Tagalog, na protektor at financier umano ng teroristang grupo ang mag-amang Governor at Congressman Suarez at mag-asawang Tan.
Sinabi pa sa reklamo, na mahigit isang taon umano silang tumira sa ni-raid na bahay ni board member Tan sa Zone 3, Poblacion Atimonan, Quezon kung saan ang laging naiiwan dito ang kasamahan nilang naaresto ng militar at PNP na sina Ruel Custodio alias Ka Baste at Ruben Istokado alias Oyo Miles.
Sa pahayag ng dalawa, mula March 22, 2019, doon sila nagtatagpo ng ilan pang kasapi ng NPA, para kuhanin umano ang regular allowance para sa pagkain, pera at armas na umano’y ibinibigay ng mag-amang Suarez at mag-asawang Tan hanggang sa salakayin ng AFP at PNP ang nabanggit na bahay noong December 26, 2020.
Nabatid pa sa affidavit nina Ka Ruping at Ka Ruanito, na nandoon sila sa bahay na ni-raid pati na si board member Tan at asawa nito subali’t hindi sila inaresto dahil sa tawag ni Gov. Suarez sa team leader ng militar at PNP.(Boy Celario)

The post Quezon Gov., anak na Congressman at mag-asawang board member kinasuhan ng ex-lider ng CPP-NPA appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Quezon Gov., anak na Congressman at mag-asawang board member kinasuhan ng ex-lider ng CPP-NPA Quezon Gov., anak na Congressman at mag-asawang board member kinasuhan ng ex-lider ng CPP-NPA Reviewed by misfitgympal on Marso 16, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.