Facebook

Tama si Sen. Pacquiao

May tama naman talaga si Sen. Manny Pacquiao nang sinabi nya na ang laganap na insurgency ng bansa ay dahil sa kapabayaan ng gobyerno. 52 taon 6 na presidente matapos ang pagkakataon sanang tapusin at simulan nang tama ang mga kamaliang tinutuligsa ng mga rebelde, hinayaan ng ilang taong makapagrekrut at makapanloko. At ngayon ngang hayagan nang tinukoy ng Pangulo ang kalabang CPP-NPA-NDF at mga kasabwat nito, suportado ang pagtutok at pagpaigting ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas ang laban para tapusin na ng tuluyan ang mga rebelde, marami parin ang nagdududa at bumatikos. Madali parin silang nabobola at napapaniwala ng mga propagandang maka-kaliwa. Sa halip na suportahan ang programa gaya ng ECLIP ng NTF-ELCAC upang mabigyan ng mapayapang pagkakataon ang mga kababayang minsang nauto ng maling paniniwala, mas gusto pa yata nilang magkaroon pa ng pagbubuwis ng buhay. Malaking bagay din ang pondong laan para sa pagpapaunlad ng mga komunidad na magwawaksi sa terorismo subalit nakakapagtago parin sa salitang redtag at chilling effect ang mga prenteng maka-kaliwa upang kumuha ng suporta. Ayaw yata ng mga naniwala sa leftist ng pag unlad at kapayapaan.

Maiingay na nag-iinuman sa kalye
ng La Purisima st., Paco, Manila
Good evening. I-report ko lang po sa LA PURISIMA street, Paco, Manila ay may mga nag-iinuman, maiingay mga kalalakihan. May close contact sa covid positive pa ung isang kasama doon. – Concerned citizen

The post Tama si Sen. Pacquiao appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Tama si Sen. Pacquiao Tama si Sen. Pacquiao Reviewed by misfitgympal on Marso 01, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.