BUMIBIGAT nang bumibigat ang talastasan ng magkakasalungat na panig sa pagsasabatas ng Anti-Terrorism Law, sa sala ng Korte Suprema. Unti-unti naman nitong naipapaikita sa taong bayan ang kamalian o talagang pangangailangan sa batas para sa matiwasay na pamumuhay ng buong bayan.
Pahapyaw nating balikan ang Anti-Terrorism Law upang tayo ay magkalinawan. Dahil di naman bago ito, kung di ay pagpapalawak lamang ng dati ng batas na Human Security Act ng 2007, kung saan ang mga krimeng gaya ng rebelyon, pamimirata at mga pagpatay upang makapanakot sa sambayanan dahil sa kagustuhang mabuwag o makuha ang hinihingi sa pamahalaan, ay nangangahulugan nang gawa ng terorismo.
Ang mga panaguring krimen na nabanggit, para sa mga ‘de kampanilyang mga abogado’ ng mga nag-petisyon na huwag maisabatas ang Anti-Terrorism Act, ay di raw nababanggit sa bagong batas at mapanganib para sa lahat nang mapag-sususpetsahan na teroristang aarestuhin ng ating mga awtoridad.
Talas ng bibig sa tinatawag na “oral argument” ang sandata ng lahat ng kasali sa diskurso ng bagong batas. Maging ang mga mahistrado ng Korte Suprema ay taglay ito, ngunit may kasamang mas malawak na kaalaman. Kaya nga sila iniluklok sa pinaka-mataas na hukuman ng bayan ay upang bigyan lunas ang di pagkaka-unawaan sa mga bagay o kasong gaya nito.
Tulad na lamang sa talastasan sa pagitan ng kontrobersiyal na mahistradong si Associate Justice Marvic Leonen (kontrobersiyal dahil lagi raw salungat sa kasalukuyang administasyon) at sa kanyang mga dating estudyante na ngayon ay mga abogado na rin gaya ni law professor Alfredo Molo III na kinatawan ng mga nag-petisyon.
Sa argumentong ang bagong batas ay nagbubunga na malawakang takot para sa lahat na mapag-sususpetsahang terorista, ang tanging salag ni Leonen ay napakahirap patunayan ito.
Ang sabi ng mahistrado, ang puntong malawakang takot bunga ng bagong batas na ginigiit ni Melo at ng kanyang mga kliyenteng kabilang si Retired Associate Justice Antonio Carpio ay di naman pa nangyayari dahil ang mga gaya nila ay binibigyan pa ng karapatang ibahagi ang kanilang di pag-sangayon sa batas. At ang iba pa nga raw ay nakakapag-rally pa maging sa loob ng Unibersidad ng Pilipinas at saan man laban sa Anti-Terror Law, kahit ang lahat ay nasa gitna ng panganib sa pandemiya.
Sa isa pang diskurso, mas matindi ang ibinahagi ni Associate Justice Amy Lazaro-Javier sa argumentong ang. bagong batas laban sa terorismo ay mapanganib sa lahat ng mapagsusupetsahan ng mga awtoridad.
Patanong ang dating ni Justice Lazaro-Javier, ano ang mas mabigat, ang karapatan ng mapagsususpetsahan o ang kaligtasan ng lahat ng Filipino?
Bagamat kinontra ng mga nagpetisyon sa pamamagitan ni Atty. Evalyn Urusa, kalaunan ay sinabi rin nito na sila ay naniniwala na ang gobyerno ay may katungkulang iprayoridad ang kaligatasan ng publiko.
Tinanong muli ng mahistrado si Urusa kung ano ang panganib na magiging resulta sa pagkakakulong ng isang suspetsyadong terorista na kalaunan ay malalamang inosente pala.
Ang tugon naman ni Atty. Ursua, ang maling pag-akusa ay paglabag na sa karapatan, kalayaan, at pagkasira ng reputasyon, atbp.-
“Ngunit nanatili siyang buhay,” ang paliwanang ng hukom, wal na raw hihigit pa sa mawalan ng buhay. Mainam na raw na magkamali minsan dahil sa pagiingat kaysa naman makipaglaro kay kamatayan.
Talas ng bibig habang binabahagi ang malawak na kaalaman ang pinaka-mahusay na kalasag sa pakikipagtalakayan. Sa pagbalangkas ng Anti-Terrorism Act o Law, may parusa din sa mga tiwaling law enforcers at military personnel na panabla ng sinomang mapagbibintangang terorista gaya ng paliwanang ni Justice Lazaro-Javier.
Ngunit ang isang maliit na pagkakamali, gaya ng pagdududa na arestuhin ang isang suspetsadong terorista, na maaaring gawin awtoridad ay nangangahulugan nang maraming pagbubuwis o kawalan ng buhay.
Maganda ang ibinubunga ng talastasang ito sa Korte Suprema. Hindi dahil sa talas ng bibig ng mga magkakatunggali at ng mga mahistrado, kung di, sa mga lumalabas na mahuhusay na paliwanag kung bakit nalikha ang batas na ito.
Ito rin ay pagkliala na ang krimen ng terorismo ay iba at napakalaking bagay sa bawat bahagi ng buhay ng bawat Filipino.
The post Talas ng bibig appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: