Facebook

Katanggap-tanggap at nararapat ang imbestigasyon ng NBI sa barilan ng QCPD at PDEA

HIGIT 100 porsiyentong katanggap-tanggap ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na “solo” sa pag-iimbestiga ang National Bureau of Investigation (NBI) sa naganap na barilan sa pagitan ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) at ahente ng Philippine Drugs Enforcement Agency (PDEA) dahil magkakaroon ng iisang resulta at bersiyon ang totoong naganap.

Hindi lang katanggap-tanggap, kundi siyang nararapat gawin lalo pa’t nanindigan at iginiit ng pinuno ng PDEA at ng Philippine National Police (PNP) na parehong mayroong buy -bust operation ang dalawang kampo sa parking area ng McDonald’s na katabi ng Ever Gotesco Mall sa Commonwelath Avenue sa Quezon City noong hapon ng Pebrero 24.

Ayos din ang pagpapatigil ni Duterte sa sanib – puwersang imbestigasyon ng PDEA at PNP upang maiwasan ang pagdududang ‘lilinisin’ ng dalawang ahensiya ang kani-kanilang sarili sa napakalaking pagkakamaling nagawa sa nasabing barilan.

Syempre, ang pinakamahusay sa lahat ay ang pagpapatigil ni Duterte sa magkahiwalay na imbestigasyon ng Senado at Kamara de Representantes.

Mabuti na lang mabilis na sumunod sina Senador Ronald dela Rosa at Representative Robert Barbers upang hindi na humaba ang ‘kuwento’ sa media.

Pokaragat na ‘yan.

Hindi sakop ng pangulo ng bansa ang Senado at Kamara.

At lalong hindi panguo ng Senado, o speaker ng Kamara, ang pangulo ng bansa.

Ngunit, maganda ang ginawa ni Duterte dahil kung hahayaan lamang niya ang dalawang organo ng Kongreso na mag-imbestiga ay posibleng gamitin pang oportunidad ng mga senador at kongresistang tatakbo sa pagkapangulo, sa pangalawang pangulo at senador sa eleksyong 2022 na magpasikat nang magpasikat at mangulit nang mangulit habang nakatapat ang kamera sa kanila.

Pokaragat na ‘yan!

Alam n’yo ba na apat sa kasalukuyang senador ay napapabalitang tatakbo sa pagkapangulo sa 2022.

Sampu ang posibleng tatakbo uling senador.

At mayroong tatakbo sa pagiging bise- presidente.

Pokaragat na ‘yan!

Alam kong maraming pagkukulang ang NBI dahil mayroong mga pagkakataong mabagal ito sa imbestigasyon, ngunit mainaman na ang NBI ang mag-imbestiga kung idiniin naman ni Duterte sa direktor ng NBI na tiyaking malaman ang eksakto at totoong naganap sa engkuwentro, dahil malaki ang aasahan ng publiko na malalaman nila ang katotohanan sa ‘surpresang’ barilan ng mga tauhan ng PDEA at ng QCPD.

Kaya, sa madaling salita, katanggap-tanggap at nararapat ang imbestigasyon ng NBI sa barilan ng QCPD at PDEA.

The post Katanggap-tanggap at nararapat ang imbestigasyon ng NBI sa barilan ng QCPD at PDEA appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Katanggap-tanggap at nararapat ang imbestigasyon ng NBI sa barilan ng QCPD at PDEA Katanggap-tanggap at nararapat ang imbestigasyon ng NBI sa barilan ng QCPD at PDEA Reviewed by misfitgympal on Marso 01, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.